Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga- Mahigit 3.1 milyong pisong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng Police Regional Office 3 sa loob ng isang linggo.
Ayon kay PRO3 Director PBGen Redrico Maranan, mula October 20 hanggang 27, mayroong 101 anti-illegal drugs operations na naisagawa ang PRO3 kung saan 155 drug offenders ang naaresto.
Nasamsam din sa mga operasyong ito ang 451.08 gramo ng shabu at 289.94 gramo ng marijuana.
Sinabi ni Maranan na malaki ang naibawas ng mga droga na ito sa komunidad na nagdudulot ng hindi maganda sa kaisipan at kalusugan ng tao.
“Ang PRO3 ay hindi titigil sa kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa pagkamit ng isang Bagong Pilipinas alinsunod sa direktiba ng ating C, PNP PGen Rommel Marbil,” saad pa ni Maranan.