NAARESTO ng pinagsanib na puwersa ng Pampanga Police Provincial Office (PPO), Mexico Police Station, Pampanga Provincial Intelligence Unit (PIU), Regional Mobile Force Battalion (RMFB), 1st at 2nd Provincial Mobile Force Companies (PMFC) ng Philippine National Police (PNP) Regional Office 3 (PRO3) ang pitong suspek kabilang ang mastermind nito na responsable sa pagpaslang sa mag-asawang online seller na sina Arvin at Lerma Lulu sa Mexico, Pampanga noong October 4, 2024.
Kinilala ni PRO3 regional director PBGen Redrico Maranan ang mga naarestong suspek na sina Anthony Limon, mastermind, residente ng Apalait, Pampanga; Rolando Cruz, middleman ng Minalin, Pampanga; Jomie Rabandaman, middleman, ng Dasmariñas, Cavite; Arnold Taylan, gunman, ng Licab, Gapan City; Arnel Buan, gunman, ng Licab Nueva Ecija; Sancho Nieto, driver, San Leonardo, Nueva Ecija at Robert Dimaliwat, spotter, ng Licab, Nueva Ecija.
Ipinresinta rin ni Maranan sa media ang mga narekober gaya ng baril na ginamit sa pamamaslang, nakuha rin sa mga suspek ang granada, asso
Base sa imbestigasyon, ang ugat ng krimen ay ang P13-million pagkakautang ng mastermind na si Limon sa mag-asawang Lulu na hindi mabayaran kung kayat pinlano na lamang ipapatay ang mga biktima.
Nabatid na si Limon ay isa ring top online seller at ang mag-asawang Lulu ang kaniyang supplier.
Base sa exploitation sa mga cellphones na narekober ay umabot sa P13M ang pagkakautang ng suspek na ayaw nang bayaran ng suspek.
Base sa imbestigasyon ay umabot sa P900K ang binayad ng mastermind sa mga middlemen na siyang kumontak sa mga gunmen at kasamahan nito para isagawa ang krimen.
Matatandaang binabagtas ng mag-asawang Lulu sakay ng itim na pickup truck ang kahabaan ng Sto Rosario road sa Mexico, Pampanga kasama ang 2 menor de edad nang pagbabarilin ng riding in tandem suspects na siya nilang ikinasawi. Ligtas naman ang 2 batang pasahero.
Ang pagkakaaresto sa mga suspek ayon kay Maranan ay base sa kooperasyon ng mga witnesses
“Well organized gun for hire syndicate ang mga suspects operating in Region 3 particularly in the provinces of Nueva Ecija and Pampanga where they also admitted that they are responsible in over 12 murder incidents in Central Luzon,” Maranan said.
Ayon kay PCol Jay Dimaandal, Pampanga police director, ang mga suspek ay naaresto sa kani-kanilang safehouses simula pa noong Biyernes hanggang Linggo. Habang ang mastermind na si Limon ay nitong Martes ng umaga nadakip.
Sinabi ni Dimaandal na pormal nang naisampa ang kasong double murder laban sa mga suspek sa Pampanga Provincial Prosecutors Office.
Narekober din bilang ebidensiya ang mga damit, helmet, sapatos na suot ng mga suspek nang isagawa ang krimen base sa mga nakalap na CCTV footages
Narekober na lamang ang mahigit P200K mula sa binayad na 900K.
Nabatid pa na pinlano ang pagpatay simula pa noong Agosto ayon sa pahayag ng mga suspek.
“The suspects were not belong to any military unit as they were all civilians and professional hired killers,” wika ni Maranan.
“We employs superior force during operation, hindi namin sila binigyan ng pagkakataon na manlaban kaya sila po ay naaresto ng matiwasay,” dagdag nito.