David vs Goliath sa Pampanga gubernatorial race

Tila sina David at Goliath ang itinuturing na labanan sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Pampang sa pagitan ni Governor Dennis Pineda at former Candaba Mayor Engr. Danilo Baylon para sa 2025  Midterm Elections.
 
Nitong Sabado ay pormal nang naghain si Baylon ng kaniyang Certificate Of Candidacy (COC) bilang Independyente para sa pagtakbo nito bilang gobernador kung saan babanggain niyang muli si incumbent Gov. Pineda.
 
Engr. Danilo Baylon naghain ng COC for Governor ng Pampanga
 
Susubukan muli ni Baylon na makuha ang pinakamataas na posisyon sa Pampanga bilang gobernador kung saan ayon sa kaniya ay mas kumpiyansa siya ngayon sa labang ito.
 
Si Baylon na tinaguriang “The Good Samarithan” ng probinsiya ay napilitan muling tumakbo sa nasabing posisyon dahil ito umano ang plano para sa kaniya ng Diyos dahil hindi na aniya maganda ang nangyayari sa lalawigan ng Pampanga.
 
Giit ni Baylon, patuloy pa rin ang kahirapan, kaguluhan, at mga ilegal na pasugalan sa Pampanga kaya napapanahon na aniya ng tunay na pagbabago.
 
“Ang mga Kapapangpangan ay naghahanap na ng pagbabago at kaibahan ng paglilingkod na may takot sa Diyos, iyan ang kailangan ngayon ng lalawigan ng Pampanga,” wika ni Baylon.
 
Unang nagharap sina Baylon at Pineda taong 2022 at ngayon 2025 ay muling susubukan ni Baylon ang kaniyang tiyansa matapos magpahayag ang mas nakararaming mga Kapampangan ng pagsuporta sa kaniyang laban.
 
Si Baylon ay sinamahan ng kaniyang asawa na si Apo Aniway Baylon, mga taga-suporta kabilang na rito si former governor Ed Panlilio.
 
Samantala, kasabay nito ay naghain din ng kaniyang COC ang asawa ni Baylon na si Apo Aniway bilang independyente para alkalde sa bayan ng Candaba.
 
 
Ayon sa mag-asawa, sila ay inatasan ng Diyos upang palaganapin ang salita ng Panginoon bilang mga public servants at hindi sila titigil hanggat hindi nagwawagi ang kabutihan.
 
Makakaharap ni Apo Aniway sina incumbent mayor Rene Madlanque at si Vice Mayor Resty Sibug.
 
Ang mag-asawang Baylon noon kahit hindi pa pumapasok sa pulitika ay regular nang tumutulong hindi lamang sa lalawigan ng Pampanga kundi maging sa buong bansa.
 
Anila, ang kanilang ginagawang pagtulong ay sukli sa mga biyayang tinatanggap nila at dahil na rin sa misyong atas sa kanila ng Diyos.