Pinangunahan ni Malolos City Mayor Christian Natividad ang panunumpa ng bagong mga kasapi sa National Unity Party (NUP) kasama ang iba pang mga bagong kasapi ng partido mula sa ibat-ibang lungsod at munisipalidad sa lalawiganng Bulacan na ginanap sa Cristina Hall, One Grand Pavilion Events Place & Villa, Blas Ople Diversion Road, City of Malolos noong Setyembre 27, 2024.
May kabuuang nang 156 na bagong miyembro ng National Unity Party (NUP) mula sa Lalawigan ng Bulacan ang nanumpa sa partido na pinamumunuan ni Gobernador Daniel R. Fernando bilang Provincial Chairperson at Vice President for Social Development na itinakda sa dalawang batch ng ceremonial oath na ginanap una sa EDSA Shangri-La sa Mandaluyong City noong Setyembre 12.
Ang unang batch ay may 106 na bagong miyembro ng NUP habang ang second wave ay mayroong bagong 50 miyembro.
Ang unang batch ay sinaksihan ni House of Representatives Secretary General Reginald S. Velasco kasama sina Congressmen Danilo Domingo, Tina Pancho, at Lorna Silverio; Mayors Glorime Faustino ng Calumpit, Ronaldo Flores ng DRT, Ma. Elena Germar ng Norzagaray, Enrico Roque ng Pandi, Bartolome Ramos ng Santa Maria, Fernando S. Galvez, Jr ng San Ildefonso, Eladio S. Gonzales, Jr ng Balagtas, Henry Lutao ng Marilao, Ferdie Estrella ng Lungsod ng Baliwag, Mary Ann Marcos ng Paombong, Maritz Ochoa-Montejo ng Pulilan, at Francis Albert Juan ng Bustos; and Board Members Romeo V. Castro, Jr., Erlene Luz V. Dela Cruz, Enrique A. Delos Santos, Jr., Dingdong Nicolas, Arthur Legaspi, Raul Mariano, Richard Roque, Cezar Mendoza, and Renato De Guzman, Jr.
Sa ginanap na second wave ay sina Malolos City Mayor Christian Natividad at Vice Mayor Miguel Bautista ang sumapi sa partido habang ang iba ay nagmula sa mga bayan ng Calumpit, Plaridel, Hagonoy, San Miguel, Pandi, Balagtas, Meycauayan City, San Miguel, Doña Remedios Trinidad, Bocaue at San Ildefonso.
Sa kanyang talumpati, pinayuhan ni Fernando ang mga bagong miyembro ng partido na paglingkuran ang kanilang mga nasasakupan ayon sa mga prinsipyo ng NUP na matibay na pananampalataya sa Diyos, pagtataguyod ng demokrasya at katarungan, at pangangalaga sa inang kalikasan.
Binigyang-diin ni Fernando na ang pagtitipon na ito ay hindi lamang nagpapahiwatig ng isang mahalagang okasyon para sa NUP, ngunit binibigyang-diin din ang pagtaas ng pagkakaisa sa pulitika na mahalaga para sa pagpapanatili ng pag-unlad ng lalawigan.
“Habang kinakaharap natin ang mga hamon sa hinaharap, napakahalaga na lahat tayo ay nagtutulungan upang matiyak ang napapanatiling pag-unlad, tumutugon sa pamamahala, at patuloy na kapayapaan at kaayusan sa ating mga komunidad,” sabi ng gobernador.
Samantala, naniniwala naman si Vice Gov Alexis C. Castro na tiyak na makikinabang ang mga Bulakenyo kung magkakaroon ng magandang relasyon ang mga pinuno ng lalawigan.
“Tayo ay naririto upang tiyakin na ang bawat aksyon at desisyon natin ay para sa kapakanan ng ating mga kababayan. Ang ating misyon ay palaging para sa ikabubuti ng karamihan, hindi lang para sa ilang indibidwal o kandidato. Kapag ang mga pinuno ay may mabuting ugnayan, ang tunay na nagwawagi sa ating adhikain ay ang ating dakilang lalawigan,” wika ni Castro.