POSIBLENG makaranas ng panibagong bagyo ang bansa sa huling mga araw bago sumapit ang paghihiwalay ng taong 2021 at pagsalubong sa 2022 ayon sa pinaka-latest na impormasyon mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja maliit ang tiyansa na isang tropical cyclone ang mabuo sa mga nalalabing araw bago sumapit ang bagong taon.
“Based on our analysis, there is a low chance of another storm in the next days inside the Philippine area of responsibility,” ayon sa PAGASA.
Nabatid na ang Metro Manila ay inaasahang makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may panaka-nakang pag-uulan.
Samantala, ang sheer line at northeast monsoon o Hanging Amihan ay inaasahan din magdadala ng pag-uulan sa southern Luzon na aabot hanggang sa hilagang Visayas, habang ang localized thunderstorms ay mararanasan naman sa silangan at kanlurang bahagi ng Mindanao.
Ang mga bahagi naman ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao na lubhang nasalanta ng Typhoon Odette, ay sumira ng P4 billion halaga ng infrastructures at P2 billion naman sa agricultural sector ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council.
Hanggang sa kasalukuyan ay minamadali ng gobyerno ang isinasagawang relief operations kasama ang ibang private sector at maging sa international community.