PAGDIRIWANG NG IKA-174 GUNING TAONG KAPANGANAKAN NI GAT MARCELO H. DEL PILAR 

Ngayong araw, ika-30 ng Agosto 2024, ay isang mahalagang pagtitipon ang ginugunita at ito ay ang ika-174 na anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Marcelo H. Del Pilar. 
 
Batay sa ating pananaliksik, si Del Pilar, na ipinanganak noong Agosto 30, 1850, sa Bulacan, ay isang mahalagang pigura sa kasaysayan ng Pilipinas, na ang mga kontribusyon bilang isang mamamahayag, abogado, at nasyonalista ay gumanap ng malaking papel sa paglaban para sa kalayaan mula sa kolonyal na paghahari ng Espanya. 
 
Si Del Pilar ay nagtatag din ng pahayagang “Diariong Tagalog (https://tl.wikipedia.org/wiki/Diariong_Tagalog) ,” na nagsilbing plataporma para sa mga rebolusyonaryong ideya at pagtataguyod ng nasyonalismong Pilipino. Ang kanyang mga isinulat at walang humpay na paghahangad ng hustisya, ay nagbigay inspirasyon sa maraming Pilipino na bumangon laban sa pang-aapi at hanapin ang kanilang nararapat na lugar sa lipunan.
 
Ayon nga kay Gov. Daniel R. Fernando, ng Lalawigan ng Bulacan: “Si Del Pilar ay kinilala bilang isa sa pangunahing Lider ng Kilusang Propaganda, pinakamahusay na manunulat, makata, repormista, peryodista at higit sa lahat umantig sa damdamin ng Sambayanan, upang ipaglaban ang kalayaan ng
ating minamahal na bansang Pilipinas. 
 
Sa kabila ng nakagisnang karangyaan at masaganang buhay, mulat si Gat Del Pilar, sa ginagawang pagmamalabis sa kapangyarihan at hindi pantay na pagtrato ng mga mga Kastila sa kanyang kapwa Pilipino. Gamit ang kanyang puso, talino at talento, ay ginawa niyang sandata ang kanyang pluma para isiwalat ang pagmamalupit ng mga dayuhang mananakop.
Hanggang sa kasalukuyan ay pinagbibigkis pa rin tayo ng kanyang likha at aral. Naririto tayong hindi lamang upang gunitain ang kanyang kabayanihan at kagitingan, Narito tayo hindi lamang upang gunitain ang aral ng ating kasaysayan. Tayo ay umiiral sa makabagong mundo kung saan marapat lamang na wala ng puwang ang pagmamalabis, karahasan, pandaraya. Sayang naman ang pinagbuwisan ng buhay ng ating dakilang Bulakenyo, kung hindi natin magkaisang isusulong ang isang malaya, makatarungan at mapagkalingang lipunan.
 
Marami siyang tiniis na hirap, pati na ang pangungulila niya sa naiwang pamilya. Maitaguyod lamang ang kanyang pangarap para sa ating bansa, Gayundin, bilang pagpupugay po sa mahalagang kontribusyon ni Gat. Marcelo H. Del Pilar, ipinagdiriwang din natin ngayong araw, August 30, ang National Press Freedom Day, sa bisa po ng Republic Act 11699. ” ilan sa mga nasabi ni Gov. Fernando.
 
Tsk Tsk! Tsk! Ang nasabing okasyon ay ginanap sa bantayog ng dakilang si Gat Marcelo el Pilar sa Bulakan, na dinaluhan ng mga Opisyales ng Panlalawigan, bayan at iba pang lider ng Samahan sa Lalawigan ng Bulacan.