Carlos Yulo receives P20M from PBBM

Mainit na sinalubong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Louise Araneta-Marcos, Vincent at Simon Marcos ang mga Filipino Olympians sa Malacañan Palace sa pagbisita ng mga pambansang manllaro sa ginanap na Heroes’ Welcome Celebration for the Philippines’ Paris 2024 Olympians noong Agosto 13, 2024.
 
Iginawad ni Pangulong Marcos kay Olympic gold medalist Carlos Yulo ang halagang PhP20 milyon at Presidential Medal of Merit sa welcome reception para sa 2024 Olympians sa Palasyo.
 
Tig-PhP2 milyon ang ibinahagi ni PBBM sa mga bronze medalist na sina Aira Cordero Villegas at Nesthy Alcayde Petecio, at tig-PhP1 milyon naman para sa iba pang mga nakilahok sa 2024 Olympics. Kinilala ng Pangulo ang dedikasyon ng mga atleta, maging ang suporta ng kanilang mga coach, trainer, at mahal sa buhay. Binigyang-diin din niya ang layuning isulong pa ang sports development sa Pilipinas.
 
SOURCE/ PHOTO: Presidential Communications Office (PCO)