Bulacan ayaw sa POGO

LUNGSOD NG MALOLOS – Iminungkahi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng 11th Sangguniang Panlalawigan ang paghain ng isang ordinansa upang hindi payagan ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na tinatawag ngayong Internet Gaming Licensees (IGLs) sa loob ng territorial jurisdiction ng lalawigan sa isinagawang pagdinig ng komite nito sa Senador Benigno Aquino Session Hall noong Miyerkules (July3).
Vice Gov. Alexis C. Castro
Ang hakbang na ito ay ginawa ng legislative body ng lalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Alexis C. Castro na siya ring sponsor ng ordinansa sa pamamagitan ng executive order ni Gobernador Daniel Fernando kasunod ng mga ulat ng paglaganap ng POGO operations na naging sanhi ng iba’t ibang panlipunan, pang-ekonomiya, at mga isyu sa seguridad sa buong bansa.
The Provincial Government of Bulacan genuinely believes that the adverse impacts of POGO operations surpass their alleged economic benefits and can potentially worsen existing social ills while posing a threat to the country’s overall economic stability,” ayon sa nakasaad sa ordinansa.
Ayon kay Castro, nadiskubre sa isinagawang joint operations ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa mga kalapit na probinsya ng Pampanga at Tarlac ang mga nasa loob ng matataas na gusali at malalawak na ari-arian ang iba’t ibang krimen kabilang na ang paggamit ng droga, prostitusyon at illegal scamming.
Sa pagdinig ng komite, ibat-ibang opinyon mula sa mga pabor at di pabor sa POGO ang napakinggan  kabilang si San Rafael Mayor Cholo Violago, Bulacan Police Provincial Office Provincial Director PCol. Relly B. Arnedo, City of Malolos Councilor Emmanuel Sacay, Association of Barangay Chairman-Angat Chapter Capt. Alexander M. Tigas, at mga concerned department heads mula sa mga lungsod at munisipalidad.
 
“According to our police provincial director, as of today walang lisensyadong Pogo sa Bulacan, zero-Pogo tayo sa lalawigan,” wika ni Castro.
Nakasaad sa EO, “The Provincial Government of Bulacan genuinely believes that the adverse impacts of POGO operations surpass their alleged economic benefits and can potentially worsen existing social ills while posing a threat to the country’s overall economic stability,”
 
Kinilala ng bise gobernador ang mga manifestations at tiniyak na ang lahat ng ito ay tatalakayin pa sa susunod na Committee of the Whole hearings.
 
Noong Hunyo 26, naglabas si Gov. Fernando ng Executive Order No. 19, series of 2024 na nag-uutos sa mahigpit na pagsubaybay sa mga POGO sa lalawigan.