Isang mainit na pagbati sa lahat ng Pilipino sa buong mundo sa pagdiriwang ng ating ika-126 taon ng Araw ng Kalayaan!
Sa araw na ito, aking dalangin na ang mga nananatiling tanikala na gumagapos sa atin – tanikala ng kahirapan, korapsyon, kasinungalingan, at maging ang banta sa ating soberanya – ay ating sama-samang mapagtagumpayan upang lubusan nating maranasan ang pinagpalang buhay na inilaan sa atin ng Panginoong Maykapal.
Patuloy nating ilagak at hanapin ang kinabukasan ng ating bayan sa Diyos na Siyang tunay na May-Akda ng lahat ng uri ng kalayaan at Siyang nagsabing “pinagpala ang bayan na ang Diyos ang Panginoon” (Awit 33:12).
Muli, maligayang Araw ng Kalayaan! GOD BLESS THE PHILIPPINES!