Sa nagaganap na labanan sa iba’t ibang panig ng mundo na nagbabanta sa seguridad at buhay, lumitaw ang pag-asa sa mga mamamayan. Nitong Mayo 2024, ang mga mamamayan sa lahat ng kontinente ay nagkaisa para ipagdiwang ang ika-11 taon ng Declaration of World Peace at ang Peace Walk ng UN-affiliated non-government organization Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL). Sa temang “Communication for Global Citizenship of Reconciliation and Tolerance,” layunin ng pagdiriwang na ito na pagyamanin at pagsaluhan ang pandaigdigang kulturang pangkapayapaan.
Sa 50 bansa, ang Peace Walk ay ipinagdiwang kasabay ng iba pang peace-building activities gaya ng mga pagtatanghal, video screening, photo exhibition, poster drawings, palaro, bazaar at volunteer opportunities na may temang pangkpayapaan. May mga seremonya rin gaya ng pagtatanim ng puno at mga inisyatiba gaya ng “libreng yakap” upang lalong mapaigting ang pagkakaisa at pag-aalaga sa kalikasan.
Sa Pilipinas, isang Peace Competition ang idinaos nitong Mayo 3 sa Victorious Christian Montessori sa GMA, Cavite. Nagkaroon ng kompetisyon ang mga mag-aaral sa elementarya at high school para sa essay writing, poster making at coloring/drawing na may temang kapayapaan.
Nagsagawa rin ng peace walk sa Hinigaran, Negros Occidental kasabay ng pagdiriwang ng Hinugyaw Festival nitong nakaraang Abrol 29 at sumalio naman sa parada ng Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon nitong Mayo 15. Nagtulungan naman ang mga HWPL volunteers sa Lucban at mga barangay officials para maglinis ng mga dekorasyon na ginamit sa Pahiyas festival sa plaza noong Mayo 16 at 18.
Hinimok ni Neil Palermo, Coordinator ng International Peace Youth Group (IPYG), ang pangkabataang grupo ng HWPL ang mga kabataan: “Kami (IPYG) po ay nagjo-join sa Peace Walk every year dito sa Pahiyas ng Lucban. Para po sa progressive and peaceful na bayan ng Lucban, ine-encourage ko po lahat ng kabataan na magjoin po sa IPYG kung saan ang kabataan po ay magkakaroon po ng activities tulad ng clean-up drive. Sa gano’ng paraan… tayo po ay maging good example sa mga kabataan.”
Nagsimula ang pangunahing pagdiriwang nitong Mayo 25 sa Peace Gate ng Seoul Olympic Park, Republic of Korea. Ipinagdiriwang sa taunang kaganapan na ito ang proklamasyon ng Declaration of World Peace noong 2013 kasama ang 30,000 kabataang nag-aadbokasiya ng kapayapaan.. Binibigyang-diin sa deklarasyong ito ang gagampanan ng bawat isa mula sa anumang antas ng pamumuhay para matamasa ang kapayapaan at hinihimok nito na magkaroon ng pandaigdigang pagkakaisa para rito.
Noong nakaraang taon, sinabi ni HWPL Chairman Lee Man-hee, “Simula nang manumpa tayo na magkakaisa para sa kapayapaan ng mundo 10 taon na ang nakararaan, patuloy tayong nananawagan para sa kapayapaan sa buong mundo. Isinusulong natin na ang kapayapaan ay maituro sa tahanan at sa paaralan, at ang bawat isa ay maging mga mensahero ng kapayapaan. (Since we pledged to work together for world peace 10 years ago, we have been calling for peace all over the world. We have advocated that peace should be taught at home and at school, and that everyone should become messengers of peace.)” Binigyang-diin din nya, “ Dapat magkaisa ang lahat sa ngalan ng kapayapaan, at magtulungan upang makamit ang maayos na mundo na maipamamana natinsa susunod na henerasyon. Ito ang dapat nating gawin sa panahon natin ngayon. (Everyone should be one under the title of peace and work together to create a good world and make it a legacy for future generations. This is what we need to do in this era in which we live.)“
Kamakailan ay naglabas ng pahayag ang HWPL kaugnay ng gyera ng Israel at Iran kung saan binigyang-pansin dito ang nakapanlulumong resulta nito sa mga sibilyan. “Organizations worldwide, in alliance with HWPL as peace solidarity, urge Iran and Israel to put a stop to the acts of aggression immediately and to come forward for conversations to usher in peace,” pahayag nito.