PAGSISIYASAT SA KASO NI MAYOR GUO, ISINASAGAWANG MABUTI SA SENADO

May nakakilala sa Katropa, ng mag-lunch tayo sa isang restoran. Nagtanong agad siya, Si Katropa ka diba? Alam po ninyo naaawa ako sa Mayor ng Bamban, Tarlac. Nakalulungkot na para po siyang nawawala sa tamang isasagot sa mga tanong ng mga Senador. Karapatan po ba talaga ng Senado na alamin ang lahat kay Mayora?
 
Agad tayong sumagot na oo, nasa loob ng mga karapatan at responsibilidad ng Senado na tanungin si Mayor Guo sa kanyang pagkakasangkot sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Batay sa ating nakalap na impormasyon, ang POGOs ay mga kumpanya ng online na pagsusugal na nakabase sa Pilipinas na nag-aalok ng mga serbisyo sa mga customer sa labas ng bansa. Pangunahing tumutugon ang mga POGO sa mga customer na Chinese dahil mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusugal sa China.
  
Ang Senado naman, bilang bahagi ng lehislatibong sangay ng pamahalaan, ay may awtoridad na magsagawa ng mga pagtatanong at pagsisiyasat sa mga usapin ng pampublikong interes, kabilang ang mga isyu na may kaugnayan sa mga operasyon ng POGO. Subalit mahalaga para sa Senado ang paghingi ng paglilinaw kay Mayor Gou tungkol sa kanyang tungkulin sa POGO at anumang potensyal na epekto sa komunidad at bansa sa kabuuan. Bagamat itinatanggi ng Mayora na wala siyang kinalaman sa POGO.
  
Napakahalaga ng pagdinig ng Senado kay Guo dahil ito ay nagsisilbing plataporma para sa pagsisiyasat ng mga paratang, pagtiyak ng pananagutan, at pagtaguyod ng transparency sa pamamahala. Ito ay isang mahalagang papel sa pag-alis ng anumang mga potensyal na maling gawain, pagpapanagot sa mga pampublikong opisyal para sa kanilang mga aksyon, pagpapanatili ng panuntunan ng batas, at para din sa pagpapatibay ng mga prinsipyo ng mabuting pamamahala at pananagutan sa bansa.
  
Tsk! Tsk! Tsk! Nararapat lamang na pigain ng Senado ang sitwasyong kinasasangkutan ni Guo, para lumutang ang katotohanan. Ang Senado ay naghihinala na ang Mayora ay nagsisinungaling, bagamat madugo ito, nararapat lamang na tanungin ang tungkol sa pagkakakilanlan ni Mayora, ang mga indibidwal na nagkaroon ng malapit na pakikipag-ugnayan sa alkalde, tulad ng mga miyembro ng pamilya, kaibigan, kasamahan, empleyado, kaalyado sa pulitika, at mga indibidwal na kasangkot sa anumang legal o pinansyal na usapin, na may kaugnayan sa alkalde. Upang mangalap ng higit pang impormasyon tungkol sa background at pagkakakilanlan ng Mayora..
  
Magpatupad ng Lie Detector Test: Gaya ng iminungkahi ni Senator Raffy Tulfo, maaaring sumailalim si Guo sa isang lie detector test. Ang pagsusulit na ito ay maaaring makatulong na matukoy ang katotohanan ng kanyang mga pahayag at magbigay ng kalinawan sa magkasalungat na impormasyon na ipinakita sa panahon ng mga pagdinig.
 
Kung si Mayor Guo ay napatunayang nagsinungaling sa ilalim ng panunumpa sa panahon ng pagdinig ng Senado, dapat mayroong legal na kahihinatnan para sa perjury. Maaari itong magsilbi bilang isang hadlang laban sa pagbibigay ng maling impormasyon sa mga susunod na paglilitis.
  
At kung siya nga ay walang sala o hindi nagsisinuungaling sa hearing ng Senado, ito ay papabor naman sa kanyang pagkatao o bilang isang halal ng bayan, na isang mapagkakatiwalaang public servant.
  
Siya nga pala salamat sa nagtanong na hindi nagpakilala, nilibre ang aking pananghalian. Hanggang sa muli.