Nakapagtala ang Bulacan Provincial Health Office (PHO) ng 53,013 kaso ng rabies sa taong 2023 kung saan ay dalawampu’t-apat indibidwal dito ang namatay.
Base sa 2023 Rabies Prevention and Control Program Accomplishment Report ng PHO-Public Health tumaas ng 4% ang animal bite case (ABC) sa Bulacan ng taong 2023 na mayroong 53,013 kaso kumpara sa 50,809 kaso ng 2022 buhat sa 3,8-milyong populasyon sa probinsiya.
Ayon kay PHO-Public Health Head Dr. Edwin Tecson, buhat sa 24 na local government unit sa Bulacan ay 13 dito ang apektado kabilang na ang tig-apat na kaso o animal bite case sa City of San Jose del Monte at bayan ng Pandi, tatlong kaso sa bayan ng Santa Maria at tig-dalawang kaso sa mga bayan ng San Miguel, Dona Remedios Trinidad at San Rafael habang tig-isa naman sa Bustos, San Ildefonso, Paombong, Marilao, Baliwag, Norzagaray at sa Lungsod ng Meycauayan.
Nabatid na 18 sa 24 na nasawing pasyente ay walang bakuna habang ang 6 naman ay nabakunahan subalit hindi nakumpleto ang vaccination course.
Sinabi ni Tecson na 13 sa nasabing nasawi ay nakagat ng mga gumagala o strays animals habang ang 11 naman ay nakagat ng mga alaga o domestic animals. Dalawampu sa mga nabanggit na kaso ay kagat buhat sa mga aso habang apat naman ang buhat sa pusa.
“As to bite site, 8 out of the 24 cases (33% were bitten at the right lower extremity, 6 cases were bitten at their right upper extremity (25%). 4 cases were reported, bitten at the left upper extremity (17%), and 3 bitten at the left lower extremity (13%). Two cases were bitten on the face (8%). The family of one case was unable to determine which of their child’s foot, left or right, was bitten,” wika ni Tecson.
Paliwanag naman ni Bonn Buzz Cabantog, PHO-PH Project Evaluation Officer 2, ang age range ng kadalasang nakakagat ng hayop ay nasa edad 4-67 years old kung saan 18 pasyente ay mga lalaki at 6 naman ang babae.
Ayon kay Cabantog, ang probinsiya ng Bulacan ang may pinakamataas na animal bite case na 53,013 kasunod ang Pampanga 49,090, Nueva Ecija 44,454, Tarlac 42,093, Bataan 31,784, Zambales 20,819, Angeles City 13,525, Aurora 8,315 at Olongapo 4,098.
Ang lalawigan ng Nueva Ecija ang sumunod na nakapagtala ng mataas na death case na may 12 kaso, Zambales 7, Pampanga 4, Bataan 3, Tarlac at Aurora na tig-2 kaso, at tig-1 naman ang Angeles City at Olongapo City.
Sinabi ni Tecson na kabilang sa mga hakbangin na isinagawa o action taken ng PHO-PH ay ang Intensified Rabies Awareness (Celebration of rabies awareness month together with Animal Bite and Treatment Center in Bulacan and Provincial Rabies Awareness), Rabies Awareness sa Barangay Cacarong sa Pandi, Bulacan sa pakikipagtulungan ng Provincial Veterinary Office (PVO), Rabies awareness sa mga medical mission ng Damayan Sa Barangay, Procurement of Anti-rabies Vaccine (Human Side), close coordination sa PVO kaugnay ng positive animal head and human rabies cases for contact tracing and ring vaccination.
Pinalakas din ang information dissemination drive against rabies sa bawat barangay sa buong lalawigan at patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga Barangay Captains kaugnay ng pagtugon sa Ordinance of Responsible Pet Ownership sa kanilang lugar.
Paghahanap ng budget allocation ng vaccine procurement para sa animal at human, kasama na rin ang sa Supply and Logistics for Spay and Neuter ng aso a pusa
Ayon sa PHO-PH, mayroon nang naitalang 3 deaths sa first quarter ngayong 2024.
Nabatid na 99% ang human cases result mula sa dog bites na kung saan ay isang pasyente ang namamatay kada 15-minuto sa buong mundo. Apat umano sa sampung namamatay ay pawang mga bata.
Target ng World Health Organization (WHO) ang ‘zero deaths’ by 2030 o 100% vaccine preventable kung saan hangad ng bakuna sa hayop ang “stop transmission” at buhay-ligtas naman sa human vaccine na siyang panawagan ng ahensiya tuwing selebrasyon ng World Rabies Day.
“The zero deaths by ‘30 is a global strategic plan to end human deaths from dog-mediated rabies by year 2030, a Rabies-Free Philippines,’ ayon sa PHO-PH.