19 sasakyan natupok sa grassfire sa NAIA3

Nasa labing-siyam na mga sasakyan na nakaparada sa extension pay parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang nasunog ngayong Lunes, Abril 22.
 
Sinasabing grassfire ang naging sanhi ng sunog bandang alas-1:40 ng tanghali sa kasagsagan ng mataas na temperatura mula sa matinding init.
 
Wala namang iniulat na nasaktan sa nasabing insidente. Ayon sa Manila International Airport Authority, hindi naman nakaapekto ang insidente sa operasyon ng paliparan. 
 
Nilinaw din ni MIAA General Manager Eric Ines na pribadong concessionaire ang namamahala sa naturang pay parking area kung saan nangyari ang sunog.
 
Bisitahin ang link sa comment section para sa buong detalye.
 
Photo credit to Manila International Airport Authority