First Smart Cities Convention inilunsad ng DAP

Kasama ni Malolos City Mayor Christian D. Natividad ang mga opisyal ng DAP at ng Malolos ICT council kaugnay ng ginanap na first Smart Cities Convention at turn over ng Malolos City Roadmap. Kuha ni ERICK SILVERIO
Pormal na itinurn-over ng Development Academy of the Philippines (DAP) sa City Government of Malolos ang Smart City Roadmap Report bilang beneficiary agency para sa pilot implementation ng DAP’a Linking Innovation Partners towards Accelerated Development in the Philippines (LIPAP PH) Program.
 
Tinanggap ng City Government of Malolos sa pangunguna ni Mayor Christian Natividad ang Smart City Roadmap Report mula kay DAP President and CEO Dr Majah-Leah Ravago sa isinagawang first Smart City Convention sa Marco Polo Hotel sa Ortigas Center, Pasig City nitong Abril 18, 2024.
 
Ang nasabing Smart City Convention ay dinaluhan ng mahigit 100 key representatives ng national government agencies, local government units, at private sector organizations na kung saan makakasama ng Lungsod ng Malolos ang Lungsod ng Sta Rosa, Laguna bilang kauna-unahang mga Smart Cities sa buong bansa.
 
Ang isinagawang convention ay nagsilbing diyalogo at pagtutulungan ng mga stakeholders mula sa mga LGUs na nais maging isang smart city.
 
Ang milestone na ito ay nasaksihan ng mga opisyal at kinatawan mula sa mga ahensya ng pambansang pamahalaan, akademya at pribadong industriya, gayundin ng mga pampublikong opisyal at executive ng iba pang local government units kabilang ang Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa, Laguna kung saan ang Smart City Assessment and Roadmap Development Project unang ipinatupad ng DAP-CSF noong 2022.
 
Kasunod ng Lungsod ng Malolos, isasagawa ng DAP-CS ang Provincial-Level Smart Cities Assessment sa mga Lungsod ng Baliwag, Meycauayan at San Jose Del Monte, at ang mga Bayan ng Guiguinto at Santa Maria sa Bulacan.
 
Isang Memoranda of Understanding (MOU) ang nilagdaan sa pagitan ng limang LGU kasama ang DAP, Department of Science and Technology (DOST) Region Ill at Bulacan State University, na sumasalamin sa kanilang ibinahaging pananaw para sa kapana-panabik na pagsulong na ito sa smart city development sa bansa.
 
Layunin ng Smart City roadmap na magtakda ng mga alituntunin at plano para maabot ng mga LGU ang mga layunin ng pagpapaunlad ng Smart City. Ang paglagda sa MOU ay nagpapakita ng kanilang kasunduan at pangako na magtulungan at magkaisa upang maisakatuparan ang layunin ng LIPAD Program na nagbibigay ng matibay na pundasyon para sa mga partner na organisasyon, upang bumuo ng mga Smart Cities at unahin ang mga teknolohikal na solusyon at inobasyon.
 
Sa kanyang word of commitment para sa Malolos Smart City Roadmap, ipinahayag ni Mayor Natividad ang kanilang hindi natitinag na pangako sa pagsusulong ng mga hakbangin na naglalayong bumuo ng isang mas matalino at mas napapanatiling lungsod.
 
“Our dedication to this cause stems from our firm belief in harnessing technology and innovation to enhance the quality of life for all residents. We are fully committed to leveraging the latest technologies, collaborating with stakeholders and investing resources to achieve our smart city objectives. We understand that the journey towards becoming smart city requires diligence, collaboration and adoptability. Therefore, we pledge to work closely with all our stakeholders including government agencies, private sector partners, academic institutions and community in organizations to ensure the success of our initiatives. By prioritizing smart city development, we aim to create a vibrant, inclusive and resilient urban environment that enhances the well being and prosperity of all our citizens, sama-sama po tayo sa pagsulong ng isang matatag, maginhawa at panatag na buhay,” wika ni Natividad.
 
Ayon kay Mayor Natividad, ang pagiging isang Smart City ay Information Technology solution na magpapagaan sa  mga transaksyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, isang system technology advancement na maaaring isama sa mga proyektong pang-imprastraktura, kapaligiran at mga programang pangkapayapaan at kaayusan na magpapasaya sa pamumuhay ng bawat Malolenyo.
 
Ang pangako ni Natividad para sa roadmap ay nagpakita hindi lamang ng kanyang personal na determinasyon kundi pati na rin ang sama-samang determinasyon ng pamunuan ng lungsod na aktibong ituloy ang mga pagbabagong inisyatiba.
 
Sinabi ni Malolos City Administrator Joel Eugenio na ang ginanap na convention ay sumisimbolo sa collaborative commitment sa pagitan ng DAP at ng pamahalaang lungsod tungo sa pagsusulong ng Malolos sa isang mas matalino at mas sustainable development community.
 
 Tiniyak ni Eugenio ang kahandaan ng Lungsod ng Malolos na ipatupad ang City Road Map, dahil ito ang hamon ng makabagong panahon ng digital era.