Bulacan officials naghain ng motion for reconsideration sa Korte Suprema

FILING OF MOTION FOR RECONSIDERATION. Hawak nina Gob. Daniel R. Fernando, Bise Gob. Alexis C. Castro, at Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia V. Constantino ang mga kopya ng Motion for Reconsideration na inihain sa Korte Suprema kahapon, patungkol sa desisyon ng Honorable Court en Banc na nagpasya na ang inilaan na tubig sa dam ay hindi dapat ituring na pambansang kayamanan, at samakatuwid, ay hindi napapailalim sa buwis sa pambansang kayamanan. Kasama rin sa paghahain ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan at ang legal team ni Fernando. Mga Larawan ni: ERICK SILVERIO
Pormal nang naghain ng Motion for Reconsideration (MR) sina Gobernador Daniel Fernando at Vice Gov. Alexis Castro kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa Korte Suprema noong Huwebes, Abril 11. 
 
 Ang mga opisyal ng Bulacan ay hindi pabor sa desisyon at napipilitang maghain ng MR sa pamamagitan ng mga provincial legal officers nito na pinamumunuan ni Abogado Gerard Nelson Manalo kaugnay naging desisyon ng Supreme Court en banc na may petsang 03 October 2023 na nag-aalis sa dam water bilang national wealth, gayundin sa  national wealth tax.
 
Sina Gobernador Daniel Fernando at Vice Gov. Alexis Castro noong Huwebes (Abril 11, 2024) ay naghain ng Motion for Reconsideration (MR) na umaasang muling susuriin ng Korte Suprema ang kaso. Ang MR ay may kaugnayan sa desisyon ng huli na tanggalin ang Angat Dam sa likas na yaman, kaya hindi na ito napapailalim sa buwis sa pambansang kayamanan. Larawan ni ELOISA SILVERIO
 
Sa kaniyang press statement sinabi ni Fernando na “Ang patuloy na pakikihamok na ito ay patungkol sa ating karapatan sa biyaya ng katubigan ng Bulacan. This pertains to our “equitable share in the exploitation, development and utilization of our natural resources” tulad ng itinadhana ng Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas at nakasaad sa Local Government Code of 1991 (Republic Act 7160). Ang tubig ay kinilala ng 1987 Constitution bilang likas na yaman ng bansa sa Article 12, Section 2.
 
Nakasaad din dito na: “All lands of the public domain, waters, minerals, coal, petroleum, and other mineral oils, all forces of potential energy, fisheries, forests or timber, wildlife, flora and fauna, and other natural resources are owned by the State.” Kaugnay nito ang Article 386 of the Implementing Rules and Regulations of the Local Government Code patungkol sa Share in the Proceeds from the Development and Utilization of the National Wealth.
 
 “LGUs shall have an equitable share in the proceeds derived from the utilization and development of the national wealth within their respective areas, including sharing the same with the inhabitants by way of direct benefits.” Mula sa mga bulubundukin ng Doña Remedios Trinidad hanggang sa Yungib ng Kasarinlan ng San Miguel, Bulacan, patungo sa mga ilog na malayang dumadaloy sa bawat bayan ng lalawigan patungo sa Look ng Maynila — hindi maikakaila na ang Dakilang Lalawigan ng Bulacan ay nilipos ng biyaya ng Inang Kalikasan. Bilang Punong Lalawigan at tagapangalagang kagalingan ng lahat, tungkulin kong tiyakin na ang mga mamamayan ng Bulacan ay makakabahagi sa kaloob na ito ng Dakilang Lumikha, paliwanag ng gobernador.
 
” Dalangin natin na marapatin nawa ng ating Kataas-taasang hukuman na muling surin ang kasong ito in consideration of the points presented in our Motion for Reconsideration,” wika ni Fernando.