BALITA MULA KILA VG CASTRO, P/LT.COL. APOLONIO AT MAYOR RICO ROQUE

Muling kinilala ang Lalawigan ng Bulacan, dahil sa pagkamit ni Vice Governor Alex Castro bilang “Most Influential and Outstanding Advocate for Governance” sa Asia’s Influential Leader Awards na ginanap sa Grand Ballroom, Okada, Manila, kamakailan.

Tsk! Tsk! Tsk! Si Castro ay kinilala dahil sa kanyang patuloy na pagyapos sa kanyang mga sinumpaang mga pangako at pagpapatibay ng mga hangaring ipagpatuloy ito ng ganap. Masasabi natin na bilang puno sa larangan ng pambabatas, ito ay nagbigay ng inspirasyon sa lahat ng Bulakenyo. Kaya siya ang nakauungos at maimpluwensyang pinamumunuan ang nasabing lalawigan. Mabuhay ka VG Castro!

***

Ang pamamaraan ni P/Lt. Col. Rey Apolonio, Chief of  Police ng Pandi Police Station, sa Bulacan, ay isang magandang ehemplo na isinagawa nitong nakalipas na Valentine’s Day, na kailangang pamarisan ng ibang istasyon ng Pulisya, ito ay ang paghahandog ng bulaklak sa mga commuters o taong nasasalubong sa daan.  Isang mabisang paraan na mailapit ang pulisya sa taumbayan.

 

Ang pamamaraan ni Apolonio sa pagbuo ng tiwala sa pulisya ay nangangailangan ng oras at pagsisikap, ito ay mahalaga para sa pulisya na maging epektibo. Kapag nagtitiwala ang mga tao sa pulisya, mas malamang na makipagtulungan sila sa kanila at mag-uulat ng mga krimen. Mas maliit din ang posibilidad na matakot sila sa pulisya at mas malamang na tingnan sila bilang isang mapagkukunan ng katotohanan.

 

Tsk! Tsk! Tsk! Napuna natin na pawang desiplinado ang mga pulis sa bayan ng Pandi, Bulacan. Ilan sa mga nakilala natin noong Valentine’s Day 2024, ay ang mga magagalang at friendly na sina: Pat. Jay March Rivera, Pat. Jeral Pangilinan, Pat. Sarah Guinto, Pat. Carlo Bernardino, Pat. Charlen Dominic Lejao Casinos, PSSg Abdulmoin Abdula Amil Jr., at Ms. Ja Ramada.

***

Tutal nasa bayang Pandi na rin lang tayo, nais natin ipabatid kay Mayor Rico Roque at sa Sangguniang Bayan nito na pinangungunahan ni VM Lui Sebastian, ang pasasalamat ng ating mga nakausap na mga Senior Citizens na nakatanggap ng local pension mula sa inyo. Narito ang mga salitang sinabi, “pinapahalagahan po namin ang inyong handog sa mga Lolo at Lola, “ “ kailangan po talaga itong pera, hinihintay po namin ito.” “ Thank you for making my day. I love you!” At marami pang iba na magaganda at nakatataba ng pusong salita mula sa mga Lolo at Lola.

Tsk! Tsk! Tsk! Iyan po ang Local Pension para kay Lolo at Lola, na taunang ipinamimigay nila Mayor Roque at mga kasama nito mula sa Pamahalaang Bayan ng Pandi, Bulacan, sa mga Senior Citizens ng naturang bayan. Hindi ko man napagkikita si Roque ng personal sa kasalukuyan, ay nais ko rin ipaalam sa inyo ang aking pasasalamat. Hanggang sa muli.