COTABATO CITY – Isinagawa ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE)-BARMM, kasama ang Schools Division Office of Cotabato City (SDOCC) at Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) Philippines, ang kauna-unahang Bangsamoro Peace Education Summit Conference sa Shariff Kabunsuan Cultural Center, Bangsamoro Government Center. Ang makabuluhang kaganapang ito ay ginanap upang pagdiwang ng ika-limang Bangsamoro Foundation Day at ika-10 taong anibersaryo ng Peace Day sa Mindanao.
Layunin nitong bigyang-tuon ang kahalagahan ng peace education upang magkaroon ng tuluyang kapayapaan sa rehiyon ng Bangsamoro. Pinanguhan ng SDOCC, sa pakikipagtulungan ng HWPL, ang contextualization ng 12 HWPL Peace Education Lessons upang makabuo ng lesson exemplars para sa mga mag-aaral na Bangsamoro base sa alintuntunin ng MBHTE kung saan itatanim sa isipan ng mga mag-aaral ang kulturang walang karahasan, hustisyang panlipunan at respeto sa karapatang pantao, kalayaan at pagiging inklusibo.
May kabuuang 28 manunulat na kinabibilangan ng mga guro mula Grade 1-12 mula sa iba’t ibang paaralan, walong ilustrador, limang layout artists at tatlong facilitator ang nagtulong-tulong upang mabuo ang lesson exemplars kung saan pinagsanib ang Peace Education sa mga asignaturang Araling Panlipunan at Edukasyon sa Pagpapakatao.
Tiniyak ng Education Program Supervisors at punung-guro na bumubuo sa 17 evaluators ng SDOCC, sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Dr. Concepcion Ferrer-Balawag at Curriculum Implementation Division Chief Dr. Pancho Balawag, na ang mga lesson plan na ito ay komprehensibo at makatutugong sa natatanging pangangailangan at hangarin ng mga mag-aaral na Bangsamoro.
Ibinahagi ng SDOCC ang contextualized Peace Education Lesson exemplars na tinipon sa isang textbook na gabay sa pagtuturo. Saad ni HWPL Chairman Lee Man-hee sa isang video, “Now, the task is to maintain a world of peace forever. Education is what creates the human mind. Through education, we can tear down the house of conflict and hatred that has been wrongly built in the human heart and build a new house with peace and love… This textbook symbolizes the results of many people’s efforts to rebuild a community destroyed by hatred and ignorance with love and wisdom. I hope that the light of peace will shine forever in Mindanao and the BARMM.”
Pinuri ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal ang SDOCC at HWPL sa kanilang mga pagsisikap, at binigyang diin, “The Bangsamoro Education Code explicitly underscores the importance of peace education in our curriculum. As defined, in the Bangsamoro Education Code, peace education is not merely a subject to be taught; it is an ethos to be lived by. It aims to instill in our youth the values of understanding, equipping them with the tools to be agents of positive change in their communities. MBHTE is steadfast in pursuing peace education.”
Nagsagawa naman ng live demonstration teaching Si Dr. Alivic B. Bilon, Education Program Supervisor, para sa mga mag-aaral sa ikalawang baitang gamit ang isa sa mga aralin ng Edukasyon sa Pagpapakatao na tumutugon sa takot at bullying.
Sa sesyon sa hapon, nagtungo ang mga school head at supervisor sa Lugay-Lugay Central School upang obserbahan ang sabay-sabay na demonstration teaching sa 12 silid-aralan gamit ang mga lesson exemplar.
Noong Nobyembre 2019, isinagawa ang kauna-unahang pilot testing ng HWPL Peace Education Lessons sa pitong paaralan sa elementarya, mataas na paaralan, at kolehiyo sa Cotabato City. Nagkaroon ng partnership ang SDOCC at HWPL noong February 6, 2020, at ito ay ni-renew noong August 25, 2023 sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement.
Idineklara naman ni Chief Minister Ahod Ebrahim ang Enero 24 Peace Day noong 2016 upang kilalanin ang civilian-led peace agreement na nilagdaan ng mga Muslim at Katolikong lider noong 2014. Ang kasunduan ay ipinanukala at pinamagitanan ni HWPL Chairman Lee Man-hee.
Ang 12 HWPL Peace Education Lessons ay dinisenyo upang itaguyod ang kapayapaan, pag-unawa, at empatiya sa mga indibidwal at komunidad sa buong mundo. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng kapayapaan, pagtanggap sa pagkakaiba-iba, pagtataguyod ng epektibong komunikasyon, at pagtataguyod ng kultura ng pag-aalaga at pag-ibig, ang mga aralin na ito ay nag-aambag sa paglikha ng isang mas maayos at mapayapang pandaigdigang lipunan.
Nagsisilbing isang mahalagang sandali ang 1st Bangsamoro Peace Education Summit Conference sa kasalukuyang pagtahak ng Mindanao tungo sa tuloy-tuloy na kapayapaan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagpapahalaga sa edukasyon, nagpupunyagi ang iba’t ibang sektor na dumalo upang magkaroon ng magandang bukas kung saan nananaig ang kapayapaan at pagkakaisa.