Pormal na pinasinayahan ni Malolos City Mayor Christian Natividad ang inagurasyon at pagbabasbas ng dalawang palapag ng Mojon Elementary School na ginanap sa Barangay Mojon nitong Biyernes, Enero 26, 2024.
Ang nasabing gusali ay pinondohan ng lokal na Pamahalaang Lungsod ng Malolos ng mahigit P14-milyon na siya ngayong gagamitin ng 452 mag-aaral mula sa Kinder hanggang Grade 6.
Ang dating Mojon Elementary school na nasa loob ng Menzy Land Subdivision ay may 4 na kuwarto lamang na pinagkakasya ang mga mag-aral sa pamamagitan ng paghahati ng oras at shifting ng mga guro at estudyantr sa buong maghapon.
Kasama ni Natividad sa nasabing pagbabasbas at pasinaya sina Leilani Samson Cunanan, City School Division Superintendent of Malolos Department of Education (DepEd), Dulce Camaya, OIC School Head ng Mojon Elementary School, Mojon Barangay Captain Michael Adriano at mga kasapi ng Sangguniang Lungsod.
Ayon kay Mayor Natividad kasunod ng 2-storey building ay popondohan din ng pamahalaang lungsod ng nasa P17-milyon ang 3-storey expansion building sa tabi nito nang sa gayin aniya ay hindi na paiiralin ang shifting mode ng mga estudyante.
Dagdag ng alkalde, ito ay sisimulan sa taong ito sa pakikipagtulungan ng mga kasapi ng Sangguniang Panglungsod.