PAGMAMAHALAN AT PAGBIBIGAYAN SA BAGONG TAON!

Bagong taon, bagong pag-asa! Idinaraos ito sa pamamagitan ng mga pagdiriwang sa relihiyon, kultura, at panlipunan sa buong mundo. Karaniwan itong minarkahan ng mga ritwal at seremonya na sumasagisag sa pagtanggal sa lumang taon at pagsasaya sa pagpasok ng bagong anyo. 

 

Basahin po natin ang padalang ulat ng isang Ginang (ayaw magpakilala) na nagta-trabaho sa Paaralang Claremont sa Gen. Trias Cavite. Narito po: “Bagong taon na naman, heto ang napansin ko sa mga araw na ito, na halos karamihan sa mga tao ay abala sa pamimili para sa ihahanda nila, upang may pagsaluhan ang buong pamilya sa pagsapit ng bagong taon. 

 

Ito ay patunay na binibigyang halaga ng mga Pilipino ang okasyong ito, at hindi kailanman mabubura ang tradisyong ito. Sa mga ‘Mall’ o pamilihang bayan ay sama-sama ang pamilya sa pammili, at ginawa na rin ‘bonding time’ ng bawat pamilya. Nasabi ko ito dahil sa nakasabay ko sa ‘Mall’ ang isang matandang babae na halos hirap na sa paglalakad, akay-akay na ng mga anak at ayaw n’ya ring ihiwalay ang ‘paper bag,’ na maari, ito ay pinamili ng mga anak para sa kanya.

 

Dito nasasalamin na sadyang ang diwa ng pasko ay pagmamahalan at pagbibigayan. Nagbibigay saya sa bawat-isa, at pinapakita lang na ang mga Pinoy ay mapagmahal, at talagang binibigyang halaga ang tradisyong kinamulatan.”

 

Tsk! Tsk! Tsk! Ayon pa rin sa nagpadala ng ulat, “it’s New year, ano kayang dala sa atin ng taong 2024? Iksaktong 12 ng umaga ay nasa harap ako ng altar, at iyan ang palagi ko ginagawa nagpi- pray ako. Kasama ka sa prayers ko na bigyan ng maayos na kalusugan, at ‘safe everytime’ lalo na sa pagda- drive at ligtas sa lahat ng mga sakuna at ang family mo.”

 

Salamat sa dasal para sa Katropa at pamilya. Pagpalain ka rin sa taong ito. Hinggil naman sa bagong kurikulom ng DepEd. Ayon sa Ginang, “kasama pala ang numeracy dito, kasi ito ang bibigyang pansin ng DepEd, dahil bumababa tayo kumpara sa ibang bansa kapag tayo ay nakikipag compete.

Maganda kung matutupad ang implementasyon ng bagong kurikulom dahil sa mga bagong strategies nito, subalit kailangan maibigay ang mga instructional material nito para gagamitin ng mga guro. Dahil ang layunin nito ay ang Reading, Numeracy at Literacy para sa mga grade levels, at upang makapag- produce ng mga batang learners. Na marunong bumasa at sumulat, na maging critical thinkers o may mga makatwirang pag iisip na maging readers at writers. Magkaroon ng kamalayan sa tinatawag na komunikasyon at sa kultura, sa pamamagitan ng tamang pag-gamit ng language, at upang maka-pagbahagi sa ating lipunan. At magkaroon ng pagkakakilanlan na sa ating bansa, ang mga Filipino learners, ay multilingual at intercultural na mamamayan.” Salamat po Ginang! Hanggang sa muli.