Kabi-kabila ang operasyon ng ilegal na pasugalan gaya ng color games sa mga peryahan sa buong lalawigan ng Bulacan.Napag-alaman na pinapayagan ng mga lokal na opisyal at PNP ang operasyon ng color games sa mga peryahan na halos bawat bayan at lungsod dito ay matatagpuan.Ayon sa reliable source, talamak at tila kabuteng nagsusulputan ang mga peryahan sa lalawigang nabanggit at sa di maipaliwanag na dahilan ay kung bakit lantaran ang sugalan sa loob nito.Ayon sa isang magulang na ayaw ipabanggit ang pangalan, halos mga kabataan at menor de edad ang kadalasang nakikitang nagsusugal sa color games na umaabot sa libu-lino ang tayaan.Base sa sumbong na ipinaabot sa mga miyembro ng Bulacan based media, hindi magandang impluwensiya ang natututunan ng mga kabataan sa nasabing pasugalan.
Ayon pa sa source, kalimitan sa mga batang pinapayagan mag sugal ay nasa edad 7-anyos pataas kaya naman nananawagan sila sa mga local authorities na gumawa agad ng aksyon hinggil sa nasabing ilegal na aktibidad.
Dahil dito, nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang sektor sa lalawigan gaya ng mga samahan ng kababaihan, parents and teachers association hinggil sa di mapatigil na sugal sa peryahan kaya nais ng mga ito na ipaabot kay Police Regional Office 3 (PRO3) regional director PBGen Jose Hidalgo Jr ang kanilang petisyon na ipatigil ang sugalan sa mga peryahan dahil lubisang nalululong dito ang mga asawa at anak nila.
Nabatid maging ang mga kaparian at pastor sa ibat-ibang religious sector ay tinutuligsa ang mga naturang pasugalan na sinasabing kinukunsinte ng mga lokal na opisyal.
Samantala, tuloy-tuloy din ang sugalan sa mga saklaan sa bayan ng Santa Maria, Bulacan na kung saan ay kahit walang naka-burol na patay ay isinasagawa pa rin ang operasyon ng saklaan.