Muli na naman kinilala ang husay at galing sa kaniyang paglilingkod si Mayor Enrico Roque ng Pandi, Bulacan bilang “Local Chief Executive of the Year 2021” na iginawad ng Nation Builders and MOSLIV Awards kamakailan.
Isa si Mayor Roque na kinilala sa taong ito dahil sa kanyang mga pagsisikap at kapuri-puri na mga nagawa bilang pinuno o alkalde para sa matagumpay na pagpapatupad ng mga proyektong nakapagpapanatili ng pag-unlad ng kaniyang bayan.
Isa ring naging basehan upang siya ay gawaran ng prestihiyosong parangal ay ang kaniyang mga inisyatibo at hakbangin na nagpapanatili at nagtataguyod ng livelihood organization na karapat-dapat na kilalanin at tularan.
“Leadership comes in many forms but effective leadership is always comes from the heart,” wika ni Roque.
Ayon sa alkalde, ang nasabing parangal ay magsisilbing inspirasyon niya hindi lamang sa paggawa ng mabuti, kundi gumawa ng mas mabuti pa at ibigay ang mas mahusay na paglilingkod.
Ang pagkilalang iginawad ay iniaalay niya sa bawat mamamayan ng Pandi kung saan dagdag pa nito, “Ang karangalan ko ay karangalan ng bawat isang Pandieno”.
Ang Nation Builders and Most Sustainable and Liveable (MOSLIV) Awards ay isang international organization na kumikilala sa mga umuunlad na individual, family, community, business, local government units (e.g. Province, District, Party List, City, Municipality, Barangay) national government and non-government organizations in population welfare, gender equalities, health, resource exchange, enterprise, employment, organizational development, entertainment, tourism, recreation, infrastructure, resource management, exploration, environmental concerns, disaster risk reduction at resiliency management sa pamamagitan ng pagbigay ng certifications.