PINURI ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ang Metropolitan Manila Development Authority’s (MMDA) new Communications and Command Center (CCC) kung saan pagpapatunay ng dedikasyon ng ahensiya na mapaganda at mapahusay ang disaster response, traffic management at overall safety ng publiko.
Malaking bahagi ang P300 million pondo na naitulong mula sa source fund ng senador para sa first phase ng konstruksyon ng nasabing center.
Sa kaniyang mensahe sinabi ni Go na ang CCC ay kikilos bilang nerve center ng MMDA, “harnessing cutting-edge technology and highly skilled personnel to streamline communication, coordination and decision-making during critical situations.”
Pinasalamatan din ni Go si Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara, na kung saan ang inisyatiba nito na maisakatuparan ang ang pondong kakailanganin para sa expansion ng MMDA center.
“The CCC is equipped with a host of features, including a technologically advanced operations center, a comprehensive data center, a situation room for crisis management, a viewing gallery, and a dedicated power room,” wika ni Go.