4,110 Bocaueño natulungan sa unang taon ni VM Tugna

VICE MAYOR ATTY. SHERWIN N. TUGNA
SA loob ng isang taong panunungkulan simula noong unang araw na mahalal bilang Pangalawang Punong Bayan si Atty. Sherwin N. Tugna sa kanyang termino, wala siyang sinayang na oras at panahon para maglingkod sa mamamayan ng Bocaue. 
 
Kahit pa tumatayo siyang ama at ina sa apat nilang anak ng yumaong Mayor Joni Villanueva-Tugna, ginagampanan niya ang kanyang tungkulin ng buong puso, may pagmamahal sa kapwa at tapat sa kanyang munting pinanggalingan. 
 
Patunay nito, sa unang taon pa lamang ng kanyang panunungkulan, lagpas apat na libong (4,110) Bocaueño na agad ang natulungan ni Vice Mayor Tugna.
 
Higit isang libong (1,192) Bocaueño ang agad na nabigyan ng hanapbuhay, at lagpas isang libo naman (1,174), partikular na ang mga kababaihan at senior citizens, ang naabutan ng free medical assistance. 
 
Vice Mayor Sherwin Tugna’s educational assistance
 
Higit na anim na daang (698) mahihirap na Bocaueno rin ang nabigyan ng financial assistance, at lagpas limang daang (520) pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay ang naabutan ng burial assistance. Bukod dito, mahigit dalawang daang (266) kabataang Bocaueño na natulungan mabigyan ng educational assistance.  
 
Bilang “abogado ng masa,” lagpas dalawang daang (260) Bocaueño ang nabigyan ni Vice Mayor Tugna ng free legal services and assistance. 
 
At dahil presiding officer ng Sangguniang Bayan (SB), sinigurado ni Vice Mayor Tugna ang mabilis na pagpasa ng mga de-kalidad na resolusyon at ordinansa upang tumugon sa pangangailangan ng mga Bocaueño at magsulong ng good governance. 
 
Katuwang si Mayor Jonjon “JJV” Villanueva at ang Solid Lingkodbayan councilors, marami nang nagawa at napaglingkuran si Vice Mayor Tugna sa loob lamang ng isang taon.
 
Aniya, marami pa siyang dapat gawin at tulungan kaya patuloy siyang nananawagan ng pagkakaisa.
 
“Mula sa gabay ng Diyos, at sa alaala ni Mayor Joni Villanueva-Tugna, sabay-sabay tayong uunlad at giginhawa,” pagtatapos ni VM Tugna.