Umabot sa mahigit 700 Bocaueños ang napasaya ni former Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) Party List representative (three terms) Congressman Atty. Sherwin Tugna sa pamamagitan ng kaniyang birthday blowout feeding program sa mga residente ng Barangay Batia at Lolomboy sa Bocaue, Bulacan kahapon, Oktubre 15.
Isang simple at makabuluhang pagdiriwang ng kaarawan ni Tugna ang isinagawa nito nang pakainin ang 370 residente sa Barangay Batia at 330 naman sa Barangay Lolomboy na kasama niyang nakisaya at nakipagsalo-salo sa nasabing birthday bash.
Ayon kay Tugna, itinuloy lamang niya ang naging taunang tradisyon o naging kaugalian ng kaniyang yumaong asawa na si Mayor Joni Villanueva-Tugna na regular na nagsasagawa ng feeding program sa ibat-ibang sektor gaya ng special children, senior citizen at persons with disabilities tuwing kaarawan nito.
Si Mayor Joni ay yumao last year May 28, 2020 sa kasagsagan ng pandemiya na sa mga araw na yun bagamat may karamdaman ay patuloy na naglilingkod at inaasikaso ang mga ayuda para sa kaniyang mga kababayan hanggang sa mamatay sa sakit na “sepsis secondary to bacterial pneumonia.”
Ang naturang feeding program ay sinuportahan ng buong “Team Solid” sa pangunguna ni former Bocaue Mayor Jon-Jon Villanueva na bayaw ni Tugna na kapwa hinimok ng daang-libong Bocauenos para tumakbo bilang alkalde at bise-alkalde sa nasabing bayan sa darating na 2022 elections.
Si Tugna ay nagtapos ng BSC-Economics sa University of Santo Thomas taong 1998; Juris Doctor program sa Ateneo De Manila year 2006 at pumasa sa bar taong 2007.
Nais nitong maipagpatuloy ang mga naiwang programa at legasiyang tumanim sa mga Bocauenos at ibahagi sa bayan ng Bocaue ang mga experience nito sa kongreso bilang Kinatawan/ legislator kung kaya nagdesisyon siyang tumakbong bise-alkalde.