7 TULAK, 5 WANTED TIKLO SA BULACAN

Camp General Alejo S Santos, City of Malolos — Pitong hinihinalang drug traffickers at limang tinaguriang wanted persons ang nadakip ng Bulacan PNP nitong Biyernes at Sabado.

Sa report ni PCol Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (PPO), ang pitong drug personalities ay naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marilao, San Jose del Monte, Norzagaray, at San Miguel.

Kinilala nito ang mga suspek na sina Marvin Gualve ng Lamabakin, Marilao; Reymar Tolentino ng Bagbaguin, Sta. Maria; Jaymi Anthony Payo ng Tigbe, Norzagaray; Junior Rosales @Torpa ng Tigapalas; San Miguel; Barbie Ann Macay; at Richelle Maningas pawang ng Muzon CSJDM; at Ma. Charllote Caparas of Santa Cruz, Manila.

Narekober sa mga ito ang 19 sachet ng hinihinalang shabu, motorcycle, at ginamit na buy-bust money.

Ang mga ito ay nahaharap sa kasong kriminal.

Samantala, limang wanted persons naman ang naaresto sa magkakahiwalay na manhunt operations tracker buhat sa  Municipal/City Police Stations ng Bulakan, Sta. Maria, Balagtas, Malolos, at SJDM kasama ang mga operatiba ng 301st MC RMFB3.

Mga kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property; Physical Injuries and Violation of BP 22 ang kinasasangkutan ng mga ito at kasalukuyan nasa kustodiya ng arresting unit/stations.