Pitong European countries ang isinailalim ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) sa travel Red List ng Philippine government o pagbabawal sa mga travelers na magmumula rito na makapasok sa Pilipinas dahil sa banta ng COVID-19 Omicron variant.
Ang travel ban order ay inanunsyo nitong Linggo, Nobyembre 28 sa 7 European countries na karagdagan sa unang 7 African nations na idinneklara ng IATF na under travel Red List.
Ayon sa IATF, ang mga bansang hindi papayagan ang mga pasahero ay mula sa Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium at Italy na epektibo mula Nov. 28 until Dec. 15.
Nabatid na unang isinailalim sa travel Red List ang South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini at Mozambique sa gitna ng banta ng Omicron variant na unang naitala sa Africa.
Ayon sa IATF hindi papayagan ang inbound international travelers mula sa mga nasabing lugar mula sa huling 14 na araw ano man ang status ng kanilang bakuna.
Tanging ang mga Pilipinong bumalik sa bansa sa pamamagitan ng government-initiated o non-government-initiated repatriation at Bayanihan Flights ang maaaring payagan, sabi ng IATF.
Gayunpaman, ang pagpasok ng mga Pilipinong ito ay sasailalim sa umiiral na entry, testing, at quarantine protocols para sa mga Red List areas.
“The government will not bar passengers already in transit and all those who have been to these Red List areas within 14 days immediately before their arrival in the Philippines, or who arrive before 12:01 a.m. Nov. 30, ” ayon pa sa IATF
“They shall nevertheless be required to undergo facility-based quarantine for 14 days with testing on the 7th day, with day 1 being the date of arrival, notwithstanding a negative RT-PCR result,” dagdag pa ng ahensiya.
Ang mga pasehero naman na dumating sa bansa bago pa ang Nobyembre 28 na kasalukuyan naka-quarantine alinsunod sa mga klasipikasyon ng kanilang bansang pinagmulan, ay kailangang kumpletuhin ang testing at quarantine protocols.
Sabi pa ng IATF, ang mga pasahero Pinoy man o banyaga na daraan sa mga lugar na nasa Red List areas ay hindi ikokonsidera na nagmula sa mga nabanggit na bansa kung ang mga ito ay nanatili lamang sa loob ng paliparan.
“Upon their arrival in the Philippines, passengers covered by the immediately preceding paragraph shall comply with existing testing and quarantine protocols. With Omicron designated as a Variant of Concern, the IATF likewise approved the recommendations to strengthen local COVID-19 response,” wika ng IATF.
Inatasan na rin ng Task Forceang Department of Health data analytics group upang maghanda ng mga modelo sa potensyal na epekto ng variant ng Omicron sa mga umiiral na protocol at pag-apruba ng IATF.