Isinailalim at inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Martes ang pagsasailalim sa ‘state of calamity’ ang anim na rehiyon sa Visayas at Mindanao upang mas mapabilis ang relief at rebuilding efforts sa mga lugar na labis na sinalanta ng Bagyong “Odette” (international name: Rai).
Sa kaniyang “Talk to the People” public briefing, inanunsiyo ng Chief Executive ang pag-apruba sa resolusyon na isinumite ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) chief Undersecretary Ricardo Jalad na ilagay ang mga rehiyon ng 4B, 6, 7, 8, 10 at 13 sa state of calamity para madaliin ang rescue, relief at rehabilitation efforts ng gobyerno at private sector.
“This will also be an effective mechanism to control the prices of goods and commodities in the areas,” ayon kay Duterte kung saan ipinangako nito matatanggap nila ang mga kakailanganing calamity funds bago sumapit ang Biyernes.
Sinabi ng Pangulo na bibisitahin nito ang mga lugar na grabeng nasalanta ng nagdaang Bagyong Odette partikular na sa Siargao at sa Dinagat Islands sa Miyerkules.
Base sa NDRRMC’s latest tally, umabot na sa 156 ang nasawi, 275 ang nasugatan at 37 ang missing persons.