6 Chinese nationals arestado, 63 manggagawa na-rescue sa ilegal na pabrika ng sigarilyo sa Pampanga

Tinatayang nasa P400-milyong halaga ng sigarilyo, machine equipment for manufacturing, raw materials at iba pang paraphernalia ang nadiskubre sa isang warehouse sa Barangay Panipuan, Mexico, Pampanga noong Enero 28, na binisita nina  Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Secretary Juanito Victor Remulla, Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno (kanan) nitong Huwebes, Pebrero 5. Kuha ni ERICK SILVERIO
Sinabi ni Interior Secretary Juanito Victor Remulla na may kabuuan nang P10-Billion halaga ng undocumented cigarettes, paraphernalias  at mga machine equipments ang nadiskubre ng Joint Task Force ng Department of Interior and Local Government (DILG), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR) Philippine National Police (PNP), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kontra sa  Illicit Tobacco sa ibat-ibang warehouse at illegal manufacturing plants mula pa noong Disyembre 2025 sa mga lugar ng Cavite, Batangas, Malabon at Pampanga.
 
Ito ang ipinahayag ng Kalihim sa ginanap na joint press briefing matapos inspeksyunin ang panibagong nadiskubreng isang illegal manufacturing plant ng sigarilyo sa Barangay Panipuan, Mexico, Pampanga nitong Miyerkules ng umaga.
 
Kasama ni Remulla sina BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa nasabing inspeksyon kung saan nabatid na isinagawa ang raid sa warehouse ng Samyoung Global Enterprises / Sangil Steel Philippines, noong January 28, 2026.
 
Nadiskubre rito ang mga sigarilyong may tatak na “Two Moon”, mga materyales ng mga cigarette brand kabilang ang Mighty, H&P, Playboy, and Carnival gayundin ang mga manufacturing machinery. Dagdag pa rito ang mga fake BIR stamps, dried tobacco leaves at paraphernalia sa paggawa ng sigarilyo.
 
Ayon kay Remulla,  naaresto ang 6 na Chinese nationals habang 63 Filipinos na mga manggagawa ang na-rescue sa nasabing pagsalakay.
 
Ang pagkakadiskubre ng planta sa Mexico, Pampanga ay may kaugnayan sa nakaraang massive seizures ng illegal cigarettes sa Batangas at Malabon na pinatatakbo ng sinasabing organized syndicate.
 
“The raid was part of a strengthened effort to curb illicit trade that deprives the government of tax revenue, with the Bureau of Internal Revenue (BIR) investigating the authenticity of tax stamps found at the site,” ayon kay Remulla.
 
Dagdag pa ng Kalihim na tinatayang aabot sa P30-bilyon exiles tax ang nawawala sa gobyerno dahil sa illegal sale ng tobacco na dapat ay napupunta sa health care system sa Pilipinas.
 
Binigyan-diin ng mga lead operating teams na ang operasyon ay parte ng  intensified campaign laban sa mga ilegal na kontrabando.
 
Nabatid na tatlong makina ang aktibong nahuli on the spot na nagma-manufacture ng  sigarilyo kung saan ang bawat makina ay kayang gumawa ng worth P150-milyon ng sigarilyo kada araw.
 
Napag-alaman pa na sa loob ng isang buwang operasyon ay nakagawa ito ng worth P4.5-bilyon ng sigarilyo at naikalat na sa merkado.
 
Base sa imbestigasyon, sa mga nakaraang tatlong buwan ay nakatanggap ng intelligence report ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) kaugnay ng pag-imbak at pagbebenta ng illicit imported cigarettes sa ibat-ibang lugar sa Region IV-A (CALABARZON) at Region III (Central Luzon).
 
Ayon kay Nepomuceno, nabatid na may mga warehouses sa Luzon na ginagamit bilang storage at distribution points ng mga smuggled cigarettes.
 
Dito nadiskubre ang warehouse na Samyoung Global Enterprises / Sangil Steel Philippines na sinasabing incorporators ng mga naarestong Chinese nationals kung saan napag-alaman na hindi lamang ito ginagamit bilang storage ng mga illicit imported cigarettes kundi bilang large-scale illegal cigarette manufacturing. Ito ay pagmamay-ari ng mga nakilalang sina Stephanie Sampana, Sydney Wan Sampana, Brian Manzano, Mung San Kim at Su Yun Kim na silang nag-lease ng planta.
 
“Boxes of cigarettes bearing various known brands, including Mighty, Champion, Two Moon, Playboy H&P, Carnival, New Moon, and Canon were found stored inside the warehouse,” wika ni Nepomuceno.
 
 
“Cigarettes produced inside the facility were being passed off as “imported cigarettes”, with boxes marked “for export”, indicating deliberate misrepresentation to conceal local illegal manufacturing,” dagdag pa nito.
 
May kabuuang P400-milyon ang halaga ng nadiskubre at nakumpiska sa raid sa Mexico, Pampanga.
 
Ang anim na Chinese male nationals ay pinaniniwalaang direktang kasabwat sa counterfeiting operation na nag-hire sa 63 Pilipinong manggagawa kabilang ang 52 na lalaki at 11 female workers.
 

 

Ang mga suspek ay mahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 263 of the National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997, as amended
National Tobacco Administration (NTA) Memorandum Circular No. 02, s. 2020, Section 1113 (f) and I) of Republic Act No. 10863, otherwise known as the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).