Camp General Alejo S Santos, Lungsod ng Malolos, Bulacan — Limang katao ang naaresto sa isinagawang manhunt operation noong Hulyo 3, 2025, isa sa mga ito ay kabilang sa listahan ng Most Wanted Person na nahuli ng mga operatiba ng San Jose Del Monte City Police Station, habang ang apat pa ay naaresto ng mga operatiba mula sa mga ibat-ibang Municipal Police Station.
Ayon sa report ni PLTCol Edilmar Alviar, COP San Jose Del Monte CPS, bandang alas-9:43 ng umaga sa Brgy. Graceville, San Jose Del Monte City, Bulacan, naaresto sa bisa ng warrant of arrest ng SJDM Police laban kay alyas “Batang,” residente ng nasabing lugar. Si “Batang” ay listed bilang Top 1 Most Wanted Person (City Level) at nahaharap sa kasong Lascivious Conduct in Rel. to Sec. 5(b) of R.A. 7610, Ang warrant of arrest laban sa kanya ay inilabas noong Mayo 30, 2025, ng Branch 5FC, Regional Trial Court, Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan.
Bukod dito, apat na indibidwal din ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng tracker team’s ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Pulilan at Malolos CPS sa bisa ng kani-kanilang mga warrant of arrest. Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga arresting units/stations ang mga suspek para sa tamang disposisyon.
Ang serye ng mga operasyon ng Panlalawigang Kapulisan ng Bulacan sa pangunguna ni PCol Angel Garcillano ay nagpapakita ng kanilang matibay na paninindigan sa paglaban sa kriminalidad. Sa pamamagitan ng mga operasyong ito, matagumpay na naaresto ang ilan sa mga most wanted at wanted na indibidwal, na siyang patunay sa pinaigting na kampanya ng kapulisan upang mapalakas ang laban kontra krimen sa lalawigan.