47 na lang ang kaso ng Covid-19 sa Bulacan 

NAKAPAGTALA ng pinakamababang kaso ng Covid-19 ang lalawigan ng Bulacan kung saan nasa 47 na lamang ang binabantayang kaso ngayon ng Provincial Health Office noong Abril 25, 2022. 
 
Base sa reported verified cases ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), 87% ng nasabing kaso o 41 active cases dito ay naka-home isolation at ang iba ay naka-admit sa hospital at ibang monitoring facilities.
 
Sa kabuuan ay nakapagtala ang Bulacan ng 109,385 confirmed cases kung saan 107,657 dito ay recovered cases at umabot naman sa 1,681 ang nasawi.
GOB. DANIEL FERNANDO
 
Ang kasalukuyang kaso ay ang pinakamababang kaso na naitala sa Bulacan buhat noong Disyembre 2021 kung saan biglang tumaas ang kaso pagkatapos ng Pasko hanggang mag Bagong Taon.
 
 
Patuloy namang nananawagan si Bulacan Governor Daniel Fernando sa mga Bulakenyo na maging maingat pa rin dahil hindi pa tapos ang laban kontra sa Covid-19.
 
“Huwag po tayo magpakampante, hindi ibig sabihin na bumaba na ang kaso ng Covid sa ating lalawigan  ay libre na tayo. Dapat pa rin mag-ingat at pairalin ang standard health protocols,” wika ng gobernador.