Apat katao ang kumpirmadong nasawi habang 48 pa ang lubhang nasugatan matapos sumabog ang isang bomba sa loob ng Dimaporo Gym ng Mindanao State University (MSU) habang onging ang Banal na Misa bandang als-7:00 ng umaga ngayong Linggo.
Ayon kay Brig. Gen. Allan Cruz Nobleza, police regional director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), tatalo ang agad na namatay on the spot habang ang isa naman ay hindi na umabot pa sa pagamutan ng Amai Pakpak Medical Center (APMC).
Hindi naman bababa sa 40 katao ang nasugatan sa nnasabing pagsabog.
Nabatid na bukod sa 40 na sugatan na dinala sa APMC, mayroon pang 8 katao ang ginagamot naman sa MSU infirmary facility.
Base sa panimulang imbestigasyon ng pulisya, 15 minuto pa lamang nagsisimula ang misa na pinangunahan ni Fr. Benigno Flores Jr. para sa selebrasyon ng Advent ay isang hinihinalang improvised explosive device (IED) ang sumabog.
Ligtas naman ang pari na si Flores pero ayon sa mga tauhan ng simbahan ay hindi pa rin makausap ang pari ng mga mamamahayag.
Nabatid na nasa bandang gitna ng crowd ang pinagmulan ng pagsabog kung saan marami ang naging biktima na pawang mga estudyante.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang isinasagawang pag-iiimbistiga ng PNP sa naturang insidente at kung ito ay kagagawan ng mga terorista.