Umabot sa 3,901 pamilya ang tumanggap ng relief goods mula sa Provincial Government ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) mula sa mga barangay ng Balite, Caniogan at Lugam sa Lungsod ng Malolos nitong Martes Oktubre 19.
Personal na ipinagkaloob ni Governor Daniel Fernando at mga kawani ng PSWDO ang relief goods para sa 1,626 families sa Barangay Lugam, 1,875 families sa Barangay Caniogan at 400 families sa Barangay Balite na naglalaman ng bigas, delata, noodles, milk, coffee at vitamins.
Kasamang namahagi ni Fernando sina Malolos City Mayor Bebong Gatchalian, Bokal Alex Castro at PSWDO head Rowena Tiongson at mga Kapitan na sina Kap Ver San Pedro ng Lugam at Kap. Precy Mateo of Caniogan.
Ayon kay Fernando ang naturang aid distribution ay bahagi ng inisyatibo ng provincial government na matulungan ang mga Bulakenyong nasalanta ng pagbaha at high tide dulot ng Habagat na pinalakas ng bagyong Fabian nitong nakaraang July 2021.
Nitong nakaraang Setyembre ayon kay Tiongson, umabot sa 9,187 families ang nakatanggap ng kaparehong ayuda ang 1,200 families sa Isla Pamarawan; 1,620 families sa Barangay Bagna; 2,150 sa Barangay Sto. Rosario; 800 families sa San Vicente; 527 sa Brgy Santiago at 994 families sa Brgy Anilao habang nasa 1,888 families naman ang tumanggap din sa Barangay Sto. Nino sa Hagonoy town.