ANGELES CITY — Umabot sa 3,228 binatilyong Angeleño na nasa edad 10-17 anyos ang sumailalim sa libreng tuli sa loob ng 25 araw.
May temang “Magpatuli para Pogi,” ang nasabing ‘operation tuli’ ay isinagawa sa anim na Rural Health Units mula July 4 to 28, 2022, na pinangasiwaan ng pamahalaang lungsod ng Angeles sa pangunguna ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr..
Ito ay pinamahalaan nina Lazatin’s Chief Adviser IC Calaguas at Executive Assistant IV Reina Manuel kasama ang City Health Officer (CHO) na si Dr. Verona Guevarra at Gender and Development Officer Mina Cabiles.
Ang programa ay inilunsad niMayor Lazatin upang matugunan ang pangangailangan ng mga Angeleños partikular na ang mga indigents.
“Nais po nating matulungan ang mga magulang sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak, kaya naman po inilunsad natin ang operation libreng tuli,” ayon kay Lazatin.
Buhat sa 3,228 — 351 na bata ay tinuli sa RHU 1; 837 sa RHU 2; 443 sa RHU 3; 545 sa RHU 4; 407 sa RHU 5; at 655 naman sa RHU 6.
Ayon kay Arnel San Pedro, City Information Officer, katuwang sa nasabing aktibidad ang nasa 30 midwive, nurse at mga doktor mula sa CHO at Rafael Lazatin Memorial Medical Center sa pangunguna ni Dr. Froilan Canlas.