3,000 KABAHAYAN SA NORZAGARAY MABIBIYAYAAN NA NG SARILING TUBIG

DREAM COME TRUE- Some 3,000 households in Norzagaray town particularly from Barangay San Mateo and Bigte will now benefit water supply from their own Ipo Dam as officials of the Department of Public Works and Highways (DPWH) led by Usec Roberto Bernardo (5th from left) together with Bulacan 6th District Representative Cong. Salvador Pleyto (4th from left) lead the groundbreaking ceremony of the P150-million Water Supply System project held at the Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Compound in Barangay Bigte, Norzagaray on November 22, 2024. Also in photo (from left to right) Engr. Aimer Cruz of Norzagaray Water District; Leonor Cleofas-MWSS Administrator; Cris May Santos,representative of Gov. Daniel Fernando; Norzagaray Mayor Merlyn Germar; Vice Mayor Patricio Gener; DPWH Region 3 Director Roseller Tolentino; Assistant RD Mel Sto. Domingo, District Engineer George DC Santos of the DPWH-2nd District Engineering Office. PHOTO BY ERICK SILVERIO
Sisimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng P93.5-milyon water system supply project sa bayan ng Norzagaray, Bulacan matapos isagawa ang groundbreaking nito sa Barangay San Mateo Biyernes ng umaga.
 
Nakapaloob sa inilaang pondo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  ay ang konstruksyon ng water supply treatment facility sa loob ng compound ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa San Mateo, Norzagaray at ang  pipe laying sa mga Barangay ng San Mateo at Bigte.
 
Ang proyekto ay naisakatuparan sa inisyatibo ni Bulacan 6th District Representative Cong. Salvador Pleyto na siyang humiling kay Pangulong Marcos para mapondohan. 
 
Nabatid na simula nang itayo ang Angat Dam at Ipo Dam na siyang main source supply ng tubig sa Metro Manila ay ngayon pa lang mapapakinabangan ng mga residente rito ang tubig na galing mismo sa kanilang bayan.
 
Ang Angat Dam ay naitayo taong 1967 habang ang Ipo Dam ay taong 1984.
 
Sa ginanap na groundbreaking ceremony ay dumalo bilang guest speaker si Usec  Roberto Bernardo ng DPWH kasama si Bulacan 6th District Representative Cong. Pleyto, Bulacan Governor Daniel Fernando represented by Cris May Santos,  Norzagaray Mayor Merlyn Germar, DPWH Region 3 Director Roseller Tolentino, Assistant RD Mel Sto. Domingo, District Engineer George DC Santos ng DPWH-2nd District Engineering Office, MWSS Administrator Leonor Cleofas, at Sangguniang Bayan members.
 
Ayon kay Cong. Pleyto nasa 3,000 kabahayan ng San Mateo at Bigte sa Norzagaray, Bulacan ang makikinabang sa bagong proyekto na water supply na siyang sagot sa deka-dekada suliranin sa supply ng tubig sa nasabing bayan.
 
“Sa wakas masisimulan na ang matagal niyo nang pangarap na magkaroon ng malinis na supply ng tubig,” wika ni Pleyto.
 
“Once completed, the project will benefit approximately 3,000 households in Barangays Bigte and San Mateo, improving access to clean water and contributing to a healthier, more prosperous community,” ayon kay DE Santos.
 
Ang DPWH-2nd District Engineering Office ang implementing agency kung saan sisimulan ang proyekto ngayong Disyembre  at target tapusin sa loob ng 18 buwan.
 
Ang proyekto ay hinati sa three phases ang Phase 1 ay ang paglalagay ng 75 HP booster pump at paglalagay ng transmission pipe at steel-bolted tank para sa mga lugar ng Bigte, Upper Bigte at Sitio Upper COC.
 
Gayundin ay maglalagay din ng 75 HP booster pump para sa mga lugar ng San Mateo Proper, Sitio Upper Bigte at Sitio Compra habang 40 HP booster pump at steel-bolted tank naman sa San Mateo Proper Elementary School, San Mateo Proper, Ipo Road, St. Mathew Village at Ipo View Deck.
 
Ang matagumpay na pagpapatupad ng proyektong ito ay magkakaroon ng malaking epekto sa mga komunidad ng Barangay Bigte at San Mateo, na makikinabang sa humigit-kumulang 3,000 kabahayan.
 
 Ang proyekto ay magpapahusay ng kalusugan at kalinisan sa pamamagitan ng pagbibigay ng maaasahan at ligtas na  tubig at maiiwasan ang panganib ng mga sakit na dala ng tubig.
 
Ayon kay Pleyto, ito ay magdudulot ng economic growth kung saan makakaakit ng mga lokal na negosyo, at ng mga bagong pamumuhunan.
 
Ang sistema ay idinisenyo para sa pangmatagalang sustainability at resilience, accommodating future growth at adaptasyon sa climate change challenges.
 
Sa pangkalahatan, mapapabuti ng proyektong ito ang buhay ng humigit-kumulang 3,000 kabahayan sa Barangay Bigte at San Mateo, na mag-aambag sa isang mas malusog, mas maunlad na komunidad na may pinahusay na mga pagkakataon para sa lahat ng mga residente.