MAHIGIT sa 28 milyong mag-aaral o estudyante ang balik eskwela ‘in-person instruction’ sa pagbubukas ng school year simula sa araw na ito (Augosto 22, 2022) matapos ang dalawang taong pagkakasara dahil sa Covid-19 pandemic.
Ayon sa Department of Education (DepEd), nasa 27.6 million estudyante ang nag-enroll as of Friday kung saan inaasahan na aabot ito hanggang 28.6 million para sa mga hahabol o late enrollees.
Nabatid na tanging 90 porsiyento ng mga paaralan ang sasabak sa face-to-face (F2F) classes at ang iba ay magpapa-iral ng blended system of in-person and distance learning.
Nasa 1,000 paaralan nationwide ang aasa sa distance learning, ayon sa DepEd pero giit nito, ang lahat ng eskuwelahan ay kailangan nang mag-switch sa five-day, in-person learning simula November 2.
Paalala ng DepEd sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak na i-practice ang anti-Covid measures na paiiralin sa mga paaralan gaya ng pagsuot ng face masks, madalas na paghugas ng kamay at pananatili ng physical distance.
“As we welcome children back into the classrooms today, let’s remember that this is the first of many steps in our learning recovery journey. Each day spent in the classroom is an opportunity for us to improve and chart the path to an effective, equitable, and resilient education system,” sabi ni Unicef Philippines Representative Oyunsaikhan Dendevnorov.