2022 Regional Skills Competition ng TESDA, simula na 

Seven provinces in Central Luzon lead the hoisting of banners/ flag during the opening of the 2022 TESDA’s Regional Skills Competition held at TESDA-Bulacan Regional Training Center in Tabang, Guiguinto, Bulacan on Thursday. Photo by: ERICK SILVERIO

PORMAL na binuksan ang pagsisimula ng 2022 Regional Skills Competition (RSC) ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Region 3 sa ginanap na opening ceremony sa TESDA-Bulacan Regional Training Center, Barangay Tabang, Guiguinto, Bulacan nitong Huwebes, Setyembre 1, 2022.

Nasa 64 competitors mula sa ibat-ibang probinsiya sa Gitnang Luzon ang kalahok at makikipagtagisan ng galing sa naturang kompetisyon na pinangunahan ni  TESDA Region 3 Regional Director Atty. Balmyrson Valdez kasama ang 7 provincial directors mula sa mga kalahok na probinsiya ng Bulacan, Tarlac, Bataan, Pampanga, Nueva Ecija, Zambales at Aurora.

Ang 4-day competition ayon kay Valdez ay tagisan ng husay at galing ng kanilang kaalaman mula sa ibat-ibang kategorya ng kompetisyon buhat sa 28 kasanayan, ilan dito ay ang Graphic Design Technology, Information Network Cabling, Web Tecnology, Baking, cooking, Mobile Robotics, Hairdressing, Landscape Gardening, Welding, Automobile Tecnology, Carpentry, Ref and Air-conditioning, Carpentry, Fashion Tech, Electrical Installation, Plumbing at marami pa iba.

Ayon kay Valdez, ang nasabing skills competition ay nagtataguyod ng angking kahusayan sa kanilang  kasanayan  mula sa kanilang mga kursong pina-aralan.

“It provides opportunities for young individuals to compete and demonstrate their competencies in particular vocational skills using task and industry-based scenarios. It inspires young individuals to reach new heights, helping them turn their passion into a profession,” wika ni Valdez.

Nabatid na ang mga local skills competition ay nagtatapos sa serye ng kompetisyon sa Provincial, Regional at National Skills Competition (NSC) kung saan ang mga mananalo sa Regional ay kakatawan sa National level at ang wagi sa NSC ay sasailalim naman sa training para sa International Skills Competition sa Asean Skills Competition at World Skills Competition-Special Edition. 

“Our participation in international skill tilts will give us the opportunity to showcase our skills and meet world-class standards in skills demonstration,” ayon kay Valdez.

Sabi ni Valdez, ang mga wagi sa 2021 NSC ang siyang kakatawan sa 2022 Asean Skills Competition sa darating na Oktubre sa bansang China at sa World Skills Competition sa Finland na gaganapin bago matapos ang taon.

Ang naturang kompetisyon ay isa rin aniyang magandang pagkakataon para sa vocational education para makita at maranaan ng mg kabataan ang halaga ng mga pagsasanay.

Napag-alaman na target ng TESDA Region 3 ang ika-pitong kampeonato sa regional competition matapos ibulsa ang 6-year consecutive championship title.

Parte ng RSC ceremony ay ang Oath of Sportsmanship na pinangunahan ni Miguel Atienza, competitor sa Hairdressing sa nalalapit na 46th World Skills Competition sa Finland. Sinundan ito ng Cutting of Competition Chain na pinangasiwaan nina Valdez, DR. Marcelo Fernandez at Gregorio Sison Jr..

Gaganapin naman ang RSC venue sa Korphil IT Training Center sa Guiguinto, Bulacan; Richwell Colleges sa Plaridel, Bulacan at sa TESDA-RTC sa Guiguinto, Bulacan.