2022 Halamanan Festival simula na

With Mayor Ambrosio “Boy” Cruz Jr. during 2022 Halamanan Festival in Guiguinto, Bulacan
PORMAL nang sinumulan ng lokal na pamahalaan ng Guiguinto, Bulacan ang kanilang ika-24 na “Halamanan Festival 2022” sa isang simpleng selebrasyon sa gitna ng pandemiya nitong Huwebes, Enero 20, 2022.
 
Pinangunahan ni Mayor Ambrosio “Boy” Cruz Jr. ang opening ceremony ng nasabing annual celebration kasabay ng pagdiriwang ng pista ng Patron ni San Ildefonso nitong Huwebes.
 
Ang selebrasyon ay sinimulan ng garden competition na isinagawa sa Guiguinto Municipal Arena kung saan 50 gardeners mula sa nasabing bayan ang lumahok sa naturang patimpalak na mayroong ibat-ibang kategorya kabilang ang Landscaping (topiary and figure plants); Bonsai (cactus and succulent); Ornamental Plants ( on the spot dish garden making).
 
Ang nga nagsipagwagi ay sina JunJun Sison, champion sa Ornamental Plant category; Alvin Tobias sa Topiary small/ Figure Plant category;  Cesar Androin- Bonsai champion; Clarissa San Lorenzo-Cactus and Succulent champion; Ronnie Domasig-On the Spot Dish Garden Making champion at Luz Moroña -Landscaping champion.
 
Ang mga nanalong kalahok ay nakapag-uwi ng tropeo at cash na insponsoran ng local government unit.
 
Ayon kay Cruz ngayong taon ay naiiba ang selebrasyon mula sa magarbong event ay isinagawa na lamang ito ng simple ngayon sanhi ng umiiral na pandemiya kung saan inalis muna ang iba pang aktibidad gaya ng “Indakan Sa Kalye” at “Parada ng Karosa”.
 
“Our garden and landscape industry is now being recognized not only in many parts of the country but in other countries as well. We want to showcase the craftsmanship of our skilled gardeners and landscapers in the annual Halamanan Festival which kicks off on the feast day of our patron saint San Ildefonso, the saint of framers,” wika ni Cruz.
 
“Halamanan Festival has gone a long, long way and has now become one of the crowd-drawing attraction in Bulacan and expected to be in full blown next year,” dagdag pa ng alkalde.
 
Dagdag pa ni Mayor Cruz, ang bayan ng Guiguinto bilang sentro ng industriya ng halaman hindi lamang sa probinsiya kundi maging sa buong rehiyon ay kinikilala rin sa buong bansa kung saan sumasabay na rin ito sa Panagbenga Festival ng Baguio, Sinulog Festival ng Cebu, Dinagyang Festival ng Iloilo at iba pang Philippine Islands festivals.