20,039 4Ps household beneficiaries nagtapos sa Bulacan

NASA 20,039 household beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa lalawigan ng Bulacan ang nagtapos sa programa sa huling quarter ng 2024 matapos makamit ang self-sufficiency status.
4Ps HOUSEHOLD BENEFICIARIES- Pinangunahan nina Bulacan Governor Daniel Fernando at Vice Governor Alexis Castro kasama si Pandi Mayor Enrico Roque, Bokal Ricky Roque, Mun. Administrator Arman Concepcion at Rowena Tionson, head ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang isinagawang “Pamaskong Handog” distribution sa 1,986 4Ps Graduated Household Beneficiaries na ginanap sa Amana Pavilion, Pandi, Bulacan noong January 7, 2025. Kuha ni: ELOISA SILVERIO
Ayon kay Rowena J. Tiongson, head ng Bulacan Provincial Social Welfare and Development (PSWD), ang mga nagtapos na 4Ps members ay mula sa 4 na lungsod at 20 munisipalidad sa lalawigan sa pakikipagtulungan ng local government units (LGUs).
Nitong LInggo, January 12 ay nagkaloob ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Governor Daniel Fernando at Vice Gov. Alex Castro ng “Pamaskong Handog” distribution para sa 4,727 household beneficiaries sa Lungsod ng San Jose Del Monte.
Ayon kay Fernando, ang pamamahagi ng regalo sa mga 4Ps members ay bahagi ng pagkilala sa ilang taong pagsusumikap ng mga ito para makamit ang makabuluhang tagumpay ng kanilang dedikasyong matupad ang programa para umunlad ang kanilang pamumuhay.
Nabatid na isinasagawa ang “Pamaskong Handog” distribution sa bawat munisipalidad at lungsod katuwang ng DSWD ang mga LGUs.
Una nang nakatanggap ng Pamaskong Handog mula kay Fernando at Castro ang 1,986 household beneficiaries sa bayan ng Pandi kasama si Mayor Enrico Roque at Board Member Ricky Roque.
Ayon kay Roque, ang 4Ps program ay napakahalaga para sa komunidad  kung saan sa pamamagitan nito ay natutuklasan ang kakayahang maaaring i-ambag ng sambahayan ng kanilang aktibong katuwang sa pag-uugnay sa mga programa at serbisyo ng gobyerno buhat sa katulad nilng mahihina at kapus-palad na pamilya.
Ang 4Ps ay ang pangunahing programa ng gobyerno ng Pilipinas para sa pagsugpo sa kahirapan na nagpapahusay sa buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pamumuhunan sa edukasyon, nutrisyon, at kalusugan ng mga bata.