2,000 riders lumahok sa Republika ride sa Malolos

2,000 riders lumahok sa Republika ride sa Malolos
Republika Ride 2023 kasama sina Senador Bato Dela Rosa, Senador JV Ejercito at Malolos Christian Natividad. Photo CTTO
TINATAYANG nasa mahigit 2,000 big bikers ang lumahok sa taong ito sa ginanap na taunang paglulunsad ng Republika Ride nitong Sabado sa Malolos Convention Center bilang bahagi sa pagdiriwang ng paggunita ng pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas.
 
Pinangunahan ni Malolos City Mayor Christian Natividad ang nasabing aktibidad kung saan kasamang lumahok sakay ng kanilang big bike sina Senador JV Ejercito at Senador Bato Dela Rosa at mga motorcycle community riders buhat pa sa ibat-ibang lalawigan.
 
Ayon kay Mayor Natividad, taon-taon itong isinasagawa upang ipaalala sa bawat Filipino ang araw ng Republika kung saan ay nakakalimutan na ng bawat Pilipino sa bansa kaya naman nais nito na silang mga taga-Malolos ang siyang magpaalala sa kapwa Filipino ang araw ng republika, ang araw ng kapanganakan ng ating kalayaan, ng Unang Republika ng Pilipinas noong January 23, 1899
 
“Lahat ng big bike enthusiast ay nagtipon-tipon dahil ang motorcycle riding ay sign ng freedom at bilang ambag nila upang ipakita at ipaalala ang kahalagahan ng pagkakatatag ng Unang Republika kaya ito ay tinawag na Republika Ride,” ayon sa alkalde.
 
Nabatid pa na dalawang event pa ang kasunod na inilunsad ng araw ding iyon, ang Bike Festival (skateboard, BMX exhibition) at ang Rakpublika na kung saan tinaguriang pinakamalaking rock free concert na ginanap sa bansa na umabot sa 15-oras na konsiyerto.
 
“Lahat po eto ay bilang ambag po natin o tribute sa kadakilaan ng ating mga ninuno na nagbigay satin ng kalayaan sa ilalim ng pagkakatatag ng Unang Republika 1899,” ani Natividad.