2 suspek sa pagpaslang sa police intelligence sa Bulacan, arestado

Naaresto ng pinagsanib na puwersa  ng Bulacan Police Provincial Office (PPO), Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU), Guiguinto Police, Bulakan Police, Obando Police, 1st Provincial Mobile Force Company, Regional Special Operation Group 3 at Regional Intelligence Unit 3 ang gunman at isa pang kasamahan nito na pawang mga pangunahing mga suspek sa pagpaslang kay police intelligence officer na si PMSgt Jose Uring.

Ang mga suspek ay pormal na pineresenta nina Police Regional Office 3 (PRO3) Regional Director PBGEN Jess Mendez at Bulacan PPO Provincial Director Angel Garcillano sa ginanap na press briefing sa Camp General Alejo Santos, Malolos City ngayong Miyerkules kung saan ang mga ito ay magkasunod na nadakip Martes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Marvin Salim, gunman, former police officer na nakatalaga sa Obando Police Station, 43, residente ng No. 176 Old Osmeña St., Barangay Pag-asa, Obando, Bulacan at Adonis Santos, 42, cohort/ driver, ng Maysantol, Bulakan, Bulacan.

Sa report ni Guiguinto Police chief PLTCOL Librado Manarang, matapos ang krimen ng gabi ng Marso 8, 2026 ay agad sila nagsagawa ng hot pursuit at back tracking sa mga suspek sa tulong ng iba’t ibang police unit na ikinadakip ng gunman at cohort nito sa magkakahiwalay na lugar.

Magugunita na binaril ang biktimang si PMSgt Uring sa isang caucus ng Home Owners Association ng Brooklyn Heights Subdivision sa Barangay Panginay, Guiguinto, Bulacan na ikinasawi nito habang sugatan naman si Jorelyn Acedera, 54 anyos residente rin sa nasabing lugar.

Pinapurihan ni Mendez ang Bulacan PPO sa pamumuno ni Col. Garcillano sa agarang pagkaresolba at pagkamit ng hustisyasa pagpaslang kay Uring.

“The swift arrest of the suspects in less than 48 hours reflects the strong coordination and determination of our operating units to ensure that those responsible for this crime are immediately brought to justice,” wika ni Mendez.

“This accomplishment is in line with the PNP Focused Agenda of Chief, PNP Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., as we continue to strengthen law enforcement operations across the region. Guided by our strategic direction — judicious action in every decision, pursuing excellence in every operation, and dedicated service to our community to ensure safety for all — we remain committed to protecting our communities. Bilang Pulis ng Central Luzon, patuloy kaming maglilingkod nang mabilis, tapat, at nararamdaman para sa ating mga kababayan,” dagdag pa ni Mendez.

Narekober sa pag-iingat nig mga suspek ang isang Remington 1911 caliber pistol .45, Caspian caliber .45 pistol, Smith and Wesson calibr .9mm pistol, mga bala, various identification cards, isang motorsiklo at cellphone.

Inihahanda na ang kasong murder na isasampa laban sa mga suspek.