Napatay sa madugong engkuwentro ang dalawang pulis sa ikinasang buy bust operation sa Sitio Tugatog, NIA Road, Brgy Tambubong Bocaue, Bulacan Sabado ng tanghali.
Kinilala ang mga biktima na sina PSSg Dennis Cudiamat y Gomez, married at PSSg Gian George Dela Cruz y Nicolas, residente ng P Burgos St., Brgy Poblacion, Bocaue,Bulacan at kapwa nakatalaga sa Bocaue Police Station.
Kasalukuyan namang tinutugis ang mga di pa nakikilalang suspek.
Base sa panimulang imbestigasyon, nagsagawa ng buy bust operation ang Bocaue PNP sa nabanggit na lugar kung saan naganap ang barilan.
Sa palitan ng putok ay napuruhan agad si PSSg Dela Cruz at dito ay hinabol habang pinapaputukan ni PSSg Cudiamat ang suspek.
Habang nakikipagpalitan ng putok ay tinamaan sa ulo si Cudiamat na agad nitong ikinasawi.