2 patay, 5 sugatan sa sumabog na pabrika ng paputok sa Bulacan

Dalawa ang kumpirmadong nasawi habang lima pa ang sugatan matapos sumabog ang isang illegal na pagawaan ng paputok sa Brgy, Partida Norzagaray Bulacan nitong Miyerkules ng umaga, Oktubre 22 2025.
Sa inisyal na report mula sa Bureau of Fire and Protection (BFP) Norzagaray, naganap ang pagsabog dakong alas-11:00 ng umaga.
Base pa sa paunang imbestigasyon isang malakas na pagsabog ang umalingawgaw na nagdulot ng pagkasira sa mga kalapit na kabahayan.
Nabatid na 2 katao na di pa nakikilala ang agad na nasawi na sinasabing mga manggagawa sa nasabing pabrika.
Lima pang indibidwal ang nasugatan habang nasa 13 kabahayan ang napinsala dulot ng malakas na pagsabog mula sa nasabing pagawaan ng paputok.
Inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng pagsabog at pagkakakilanlan ng mga biktima at may-ari ng pabrika.