2 MIYEMBRO NG SALVADOR GANG DEDO, 2 PULIS SUGATAN SA BULACAN ENCOUNTER

CAMP GEN. ALEJO SANTOS — Dalawang pinaniniwalaang mga miyembro ng “Salvador Group”, kilalang criminal gang na nag-ooperate sa Central Luzon ang napatay habang dalawang pulis naman ang sugatan sa naganap na engkuwentro sa Barangay Maligaya, San Miguel, Bulacan ngayong Lunes, Nobyembre 28, 2022.
 
Ang madugong engkuwentro ay naganap matapos mag-serve ng warrant of arrest ang mga tauhan ng 3rd Maneuver Platoon, Bulacan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa nasabing lugar.
 
Kinilala ni Col. Relly Arnedo, Provincial Director, Bulacan PNP ang napaslang na suspek na si Rommel Suarez, miyembro ng Salvador Criminal Group, at nakalista bilang High-Value Individual (HVI) ng Nueva Ecija for Violation of Section 5 Article II of Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act), habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasamahan nitong napatay.
 
Arestado rin ang mga kasamahan ni Suarez na sina Fernando Perez, Reynier Dela Cruz, kapwa residente sa nabanggit na lugar, Shierlyn Anne Pangilinan ng Gapan; at Rowena Daquiz ng Cabiao, Nueva Ecija.
 
Base sa imbestigasyon, nakatakda sanang ihain ng pulisya ang warrant of arrest subalit agad na pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis hanggang sa nauwi sa palitan ng putok na ikinasawi ng 2 suspek.
 
“Two police officers identified as PCpl Richard Neri, legal age, and Pat Aaron James Ibasco of the Bulacan 2nd PMFC 3rd Maneuver Platoon sustained a gunshot wound and were no longer in danger,” wika ni Arnedo.
 
Ang mga arestadong suspek ay kasalukuyan nakapiit sa San Miguel Police Station at nahaharap sa mga kaukulang kaso. 
 
“The aforementioned criminal gang is involved in robbery and illegal drug operations in Central Luzon,” dagdag pa ni Arnedo.
 
Appropriate criminal complaints against the suspects are now being prepared for filing in court.