LEGAZPI CITY: Labing-apat na mountaineers kasama ang apat pang tourist guides ang iniulat na nakaligtas at makababa mula sa bundok bago pa man sumabog ang Mount Bulusan nitong Linggo ng umaga.
Ayon kay Gremil Nas, spokesman ng Office of Civil Defense sa Bicol, ang 14 na mga hikers kasama ang 4 pang mga guide nito ay umakyat sa bundok ng Bulusan bandang alas-11a.m. ng Sabado (June 4), via Barcelona town trail.
Dahil masama na ang kutob ay nagdesisyon ang mga ito na ihinto na ang paglalakbay at agad na bumalik pababa.
“All 14 hikers and four guides were able to climb down safely. All accounted for. Based on the update from MDRRMO Barcelona, the hikers are tourists from NCR (National Capital Region) and Calabarzon. They started trekking on June 4 at 11 a.m. No names and photos were submitted,” wika ni Nas.
Kasunod ng pagsabog ng Mount Bulusan, agad din kinansela ng local government ng Irosin ang lahat ng tourism-related activities sa nasabing lokalidad para na rin sa pag-iingat base sa advisory No. 1.
Sinimulan na rin ng Bureau of Fire Protection personnel na mula sa ibat-ibang stations sa Sorsogon ang paglilinis sa ash falls sa mga lugar sa munisipalidad ng Juban.
Hinikayat naman ng Sorsogon Provincial Information Office ang publiko na iwasan ang unnecessary travel papunta sa munisipalidad ng Juban at Irosin pansamantala dahil ang volcanic ash umano ay maaaring makapaminsala partikular na sa mga kalusugan o yaong may mga respiratory illnesses.