Fort Magsaysay, Nueva Ecija – Nakatanggap ng tig P5,000.00 na suporta pinansiyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region-3 sa ilalim ng Payout Financial Assistance Program ang 18 dating rebelde na ginanap sa DSWD Building, Barangay Maimpis, San Fernando, Pampanga noong ika-10 ng Enero 2023.
Ang pamamahagi ng tulong ay pinangunahan ni Director Jonathan Dirain, DSWD Region 3 Regional Director kasama sina Social Welfare Offcier Catherine V. Gacutan, ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ng Tarlac at si 2LT Carina Joy B. Boado ng 3rd Mechanized Infantry Battalion.
Matatandaan na noong nakalipas na taon ay namahagi na ng kaparehong tulong ang DSWD-3 sa 20 na mga dating rebelde sa Tarlac at ito ay kanilang ipinagpatuloy sa pagbubukas ng taon.
Samantala, isa sa mga dating rebelde ang nagpaabot ng pasasalamat sa walang sawang tulong na ibinibigay sa kanila ng pamahalaan, “maraming salamat dahil marami na kaming mga FRs ang natulungan na ng gobyerno, hindi lamang mula noong kami ay nag surrender kundi hanggang ngayon ay nandiyan parin ang gobyerno upang tustusan ang pangangailangan namin,” ani Melissa Marquez.
Samantala, nagpaabot ng pasasalamat si Lt. Col
Jeszer Bautista, ang Commaner ng 3rd Mechanized Infantry Battalion sa inisyatiba ng DSWD na bigyan ng prayoridad ang mga FRs sa kanilang Payout Financial Assistance Program, “ako’y nagpapasalamat sa DSWD dahil puspusan at tuloy-tuloy ang kanilang pag-alalay sa ating mga FRs, sa ganitong paraan ay naipapadama natin na hindi pinababayaan ng pamahalaan ang mga sumurrender at nagbalik-loob”, ani Lt. Colonel Bautista.
“Kaya ako ay nananawagan sa mga natitira pang miyembro ng KLG TARZAM dito sa aming nasasakupan, hindi pa huli ang lahat, magbalik-loob, sumuko at makipag ugnayan upang kayo din ay aming matulungan”, dagdag ni Lt. Colonel Bautista.