16 sugatan sa paputok sa Bulacan

LABING-ANIM katao ang iniulat na nasugatan sa paputok habang walo naman ang arestado sa illegal firecrackers sa pagdiriwang ng bagong taon sa lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes, Disyembre 31.
Ayon kay Col. Manuel Lukban Jr., Bulacan police acting director , pito sa mga fireworks-related injuries ay naitala mula Biyernes ng gabi hanggang Sabado kinabukasan.
 
Isa sa mga biktima ay sa lungsod ng Malolos na nakilalang si Lawrence Manabat, 44 years old, na nagtamo ng left eye injury habang sinisindihan ang isang fountain pyrotechnic device. Anim naman ay nasugatan ng “kwitis”- 2 sa Meycauayan City na nakilalang sinas Helbert Enosecio, 36, ng Pili St., Brgy. Lawa at Wilmer Diano, 19, ng Brgy. Iba. Dalawa rin sa bayan ng Pulilan na sina Dan Marlon Quirimit, 30, at Danilo Quirimit, 55 na isinugod sa Our Lady Hospital, Brgy. Longos Pulilan na nasabugan din ng “kwitis” habang si Allan Tenorio, 25,ngf Tanawan, at Jerwin Bermudez, 30, of Cambaog, kapwa residente ng bayan ng Bustos ay sugatan din sa kwitis. Samantala, ayon kay Col. Lukban, siyam katao pa ang sugatan sa paputok base sa tala ng Provincial Health Office ng Bulacan mula sa mga bayan ng San Miguel, Pandi, City of San Jose del Monte, Obando, Norzagaray, Calumpit at Meycauayan City. Walong katao naman ang inaresto dahil sa pag-iingat ng illegal firecrackers kung saan nakumpiska sa kanila ang malalakas na uri ng paputok gaya ng 10 packs ng pla pla, 7 packs ng Kabasi, 1,000 pieces ng baby rockets, 1,100 pieces ng cylinder nitrate container, at marked money. “Aside from the reduction in cases, another good news is that there were no reported cases of firecracker ingestion, stray bullet injuries, and tetanus infections,” wika ni Lukban.
(Photo courtesy of The Manila Times)