Nasa 1,500 residente buhat sa bayan ng Angat, Bulacan ang nakinabang ng libreng medical assistance na ginanap sa Barangay Sta Cruz, Angat, Bulacan noong Sabado, November 9, 2024.
Ang nasabing medical mission ay first time isinagawa para sa mga residente mula sa bayan ng Angat sa Ika-6 na Distrito sa lalawigan sa pakikipagtulungan ng Bulacan Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry at Damayang Filipino Partylist.
Ito ay sa inisyatibo ng Racal Quick Response Foundation Inc. sa pangunguna ni Chairman Jonito Racal at anak nito na si Jad Racal na palagiang naghahatid ng ibat-ibang serbisyo para sa mga Bulakenyo.
Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob sa nasabing medical mission ay libreng medical consultations, libreng gupit, bunot ng ngipin, libreng gamot at vitamins at iba pang serbisyong medikal.
Bandang alas-8:00 ng umaga ay dumagsa na ang mga nais maka-avail ng libreng serbisyong medikal na mula pa sa malalayong barangay ng Angat kung saan ang iba ay nanggaling din sa mga bayan ng Norzagaray at kalapit bayan.
Ayon kay Jad Racal, itinatag ang Racal Quick Response Foundation since 2012 dahil na rin sa mga lumalapit sa kanila para humingi ng tulong nang sa gayon sa pamamagitan ng pagtulong sa taumbayan ay masuklian nila ang tinatamasang blessings.
Isa na rito ang pagkakaloob ng ng RQR Foundation ng tatlong ambulansiya para sa buong 6th District ng Bulacan at ang nauna na nang inisyal na 10 three-wheel trike patrol para sa mga barangay, at 2 mobile clinic.
Ayon sa Foundation, isusunod pa rito ang pamamahagi ng nasa 43 pang trike patrol para sa buong Distrito.