14 pang lugar isinailalim na rin sa Alert Level 3

Image credit to GMA Network
ISINAMA na rin ang 14 pang lungsod at mga probinsiya ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa Alert Level 3 dahil sa alarming increase ng COVID-19 cases sa mga nagdaang mga araw.
 
Ayon kay Acting Presidential Spokesman Secretary Karlo Nograles, aprubado na ng Inter-Agency Task Force ang rekomendasyong isailalim na rin sa Alert Level 3 ang 14 pang lugar dahil sa posibleng paglobo ng COVID-19 cases dulot ng Omicron variant.
 
Ang hakbang ay base sa rekomendasyon ng Sub-Technical Working Group ng IATF epektibo Enero 9-15, 2022.
 
Ito ay ang mga Baguio City sa Cordillera Administrative Region; Dagupan City sa Region 1 (Ilocos);  City of Santiago at Cagayan sa Region 2 (Cagayan Valley);  Angeles City, Bataan, Olongapo City, Pampanga at Zambales sa Region 3 (Central Luzon);  Batangas at Lucena City sa Region 4-A (Calabarzon);  Naga City sa Region 5 (Bicol);  Iloilo City sa Region 6 (Western Visayas); at Lapu-lapu City sa Region 7 (Central Visayas).
 
Nauna rito ay inilagay sa Alert Level 3 ang Metro Manila kasama ang mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.