10 ARESTADO SA KAMPANYA KONTRA ILIGAL NA DROGA NG BULACAN PNP

Camp General Alejo S Santos, Lungsod ng Malolos, Bulacan — Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Bulacan PPO ang sampung (10) indibidwal na sangkot sa ilegal na droga sa magkakahiwalay na operasyon kontra-droga noong Nobyembre 12, 2025, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa lalawigan ng Bulacan.
 
Batay sa ulat ng mga Hepe ng Pulisya ng San Jose Del Monte, Obando, Hagonoy, Paombong, Plaridel, Marilao, Malolos CPS, magkakahiwalay na drug-bust operations ang isinagawa ng kani-kanilang Station Drug Enforcement Units ay nagresulta sa pagkakaaresto ng sampung (10) durugista at pagkakasamsam ng dalawamput-walong (28) na sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php 114,580, kasama ang buy-bust money.
 
Ang mga naarestong suspek at nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa Bulacan Forensic Unit para sa kaukulang pagsusuri, habang inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na isasampa laban sa kanila.
 
Binigyang-diin ni PCOL Angel Garcillano, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, na ang mga sunod-sunod na operasyon at pagkakaaresto ay malinaw na patunay ng pinaigting na kampanya ng Bulacan Police laban sa ilegal na droga.
 
Aniya, patuloy nilang isasagawa ang mga operasyon upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat mamamayan sa lalawigan ng Bulacan.