
Sa pagdiriwang ng National Tuberculosis Day at National Lung Month, nagsagawa ng active case finding ang Department of Health Central Luzon Center for Health Development sa lalawigan ng Tarlac kamakailan.
ย
Katuwang ang Tarlac Provincial Health Office at ang City Health Office ng Tarlac City, layon ng active case finding na maagang mahanap ang mga may sakit ng TB at maagapan ito sa pamamagitan ng agarang pagsasailalim sa kanila sa gamutan.
ย
Dito ay nagkaroon ng townhall session kung saan ipinaliwanag kung ano ang TB, mga paraan para maiwasan ito, at kung paano ang gamutan dito.
ย
Mayroon ding mga health services kaugnay ng TB gaya ng systematic screening and risk assessment, chest x-ray screening, sputum collection and transport of specimen, TB treatment and TB preventive treatment initiation, diabetes mellitus screening, HIV screening, at talakayan tungkol sa Philhealth benefits para dito.
ย
Ang nasabing gawain ay bahagi ng Nationwide Simultaneous Active Case Finding na isinagawa rin sa 28 ibaโt ibang lalawigan sa bansa.
ย
SOURCE/ PHOTO: DOH Central Luzon